
Kaabang-abang ang mga susunod na eksena ni sexy actress Angeli Khang sa full action series na Black Rider.
May mga action scenes na rin kasi sa serye ang karakter niyang si Nimfa.
Sa isang trailer na inilabas ng programa, makikitang isang mahusay na sniper pala ang babaeng inakala nilang simpleng probinsyana na nagtitinda ng pinya.
"Paano ka natutong bumaril?" tanong sa kanya ng bidang si Elias, played by primetime action hero Ruru Madrid.
"Marami ka pang hindi alam sa akin, Elias," matalinhagang sagot ni Nimfa.
Bukod dito, may mga eksena rin ng hand-to-hand at knife combat si Angeli. Umangkas din siya sa motor kasama si Ruru at tumakbo mula sa mga pagsabog.
Very proud si Angeli sa naging trabaho niya para sa mga eksena ng Black Rider lalo na at malayo ito sa dati niyang mga pelikula.
"Challenging siya. Ibang feeling siya. Masarap sa feeling na nakagawa naman ako ng ibang projects," lahad ng aktres.
Patuloy na tumutok sa mga parating na episodes ng 2024 New York Festivals bronze medalist at 2024 Gandingan Awards Most Development-oriented Drama Program na Black Rider, na sabay nang mapapanood sa tatlong channels at maging online!
SILIPIN ANG MEDIA CONFERENCE PARA SA BAGONG YUGTO NG BLACK RIDER KUNG SAAN DUMALO SINA RURU MADRID, YASSI PRESSMAN, ANGELI KHANG AT IBA PANG MIYEMBRO NG CAST:
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Kapit lang sa mas suwabe, mas maangas at mas kapanapanabik na bagong yugto ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May simulcast ito sa GTV at sa digital channel na Pinoy Hits.
Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.
Panoorin din ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.