GMA Logo Angeli Khang
Source: angelikhang_ (IG)
What's on TV

Angeli Khang, nakahanap ng 'teachers' sa 'Black Rider'

Published July 22, 2024 3:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa | Balitang Bisdak
Jeepney driver, patay matapos barilin ng salaring nagkunwaring pasahero sa Antipolo City
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News

Angeli Khang


Masaya si Angeli Khang sa naging experience niya sa seryeng 'Black Rider.'

Bittersweet para kay sexy actress Angeli Khang ang nalalapit na pagtatapos ng top rating full action series na Black Rider.

Masaya kasi ang naging karanasan niya sa kaunaunahang teleserye niya. Tila nakabuo raw siya ng panibagong pamilya kasama ang mga nakatrabaho rito.

"Sobrang saya! One big family lahat, hindi lang sa cast kundi kina direk saka sa mga prod. Feeling ko talaga na pagkapasok na pagkapasok, welcome na welcome ako," pahayag ni Angeli.

Lubos daw niyang na-enjoy ang pagiging bahagi ng Black Rider.

"Every time na may shooting, hindi ko siya ino-ovethink na mase-stress ako, na buong araw ka gising, kasi pagdating ko sa set, sobrang saya. Hindi mo naiisip na gabi na pala, uuwi na pala. Sana next day ulit," paliwanag niya.

Malaki din ang pasasalamat ni Angeli sa co-stars dahil sa tulong na natanggap niya mula sa mga ito sa kanilang mga eksena.

"Ang dami ko rin natutunan from co-actors and actresses. Pagdating sa mga scenes, nagdadalahan, nag-a-up to each other," paggunita niya.

Nakahanap din daw siya ng mga taong nagsilbing mga guro niya sa pag-arte sa telebisyon, lalo na at mas sanay si Angeli sa mga made-for-streaming na mga pelikula.

"And also the directors, gusto ka nilang makita na mag-improve ka as much as possible. Sila 'yung naging teacher ko dito sa mainstream," aniya.

Gumaganap si Angeli sa Black Rider bilang Nimfa, isa sa mga mabubuting kaibigan ni Elias (Ruru Madrid) na may itinatago palang husay sa pakikipaglaban.

Ano ang kapalarang naghihintay kay Nimfa ngayong hindi niya nagawang mabihag ang puso ni Elias?

Source: angelikhang_ (IG)

Patuloy na panoorin mga parating na episodes ng 2024 New York Festivals bronze medalist at 2024 Gandingan Awards Most Development-oriented Drama Program na Black Rider!

Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.

Walang magpapaiwan sa papalapit na heroic finale ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 10:00 p.m.

Maaari rin itong mapanood via livestream sa Kapuso Stream.