
Nakilala man ang pinakabagong Black Rider star na si Angeli Khang bilang parte ng Vivamax kung saan marami sa pino-produce na pelikula ay sexy, hindi siya naniniwalang isa siyang sexy actress.
“I think I don't see myself as a sexy actress, kahit man ayun yung mga sinasabi nila sa akin. I think I see myself as an actress that was that project that's given to me,” sabi niya sa Updated with Nelson Canlas podcast.
Para kasi kay Angeli, kahit anong proyekto pa ang ibigay sa kaniya, mapa-sexy man ito o hindi, ay artista pa rin siya na ginagawa nag proyektong inalok sa kaniya. Ayon pa sa aktres ay blessing ang kahit anong proyekto na ibigay sa kaniya.
Ngunit may isang kahilingan lang si Angel, “But as much as possible, I want to see myself and the people to see me more about my acting.”
“Feel ko po, marami na akong nagawang movies na na deep, ah, fresh breath naman sa another character, another genre, another craft naman na action naman. Sana naman next time, um, mabigyan ako ng blessings na comedy, ganun-ganun na iba naman,” sabi niya.
TINGNAN ANG IBA PANG VIVAMAX BABES NA NAGING PARTE RIN NG 'BLACK RIDER' SA GALLERY NA ITO:
Kamakailan lang ay inanunsyo na makakasama si Angeli sa hit action drama series na Black Rider at nagsimula na rin mapanood sa serye. Kuwento niya, marami ang nag-message sa kaniya, kabilang na ang family members, na maipapakita na niya ang “totoong acting” niya.
“I mean, ah, acting pa rin naman po yun, but this time, talagang acting na without sexy,” paglilinaw niya.
Ngunit pagdating niya umano sa set, nalaman niyang may kaunting sexy scenes pa rin siyang gagawin kaya naman, nag-message siya agad sa kaniynag ina.
“Nag-message ako sa nanay ko, sabi ko, 'Ma, ano, ah, may sexy scenes po naman, pero Ma, acting pa rin,'” pag-aalala niya.
Pakinggan ang buong interview ni Angeli dito: