What's on TV

Angeli Khang, thankful sa tulong ni Ruru Madrid sa 'Black Rider'

By Marah Ruiz
Published May 22, 2024 10:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'Steel Ball Run: JoJo's Bizarre Adventure' to release first episode in March 2026
My Chemical Romance moves Asia show dates to November 2026fa
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Angeli Khang


Thankful si Angeli Khang sa tulong ng kanyang 'Black Rider' co-star Ruru Madrid sa kanilang mga eksena.

Isang malaking blessing daw para kay sexy actress Angeli Khang na mapabilang sa full action series na Black Rider.

Ito ang unang teleserye ni Angeli matapos niyang sumikat sa mga made for streaming na mga pelikula.

"I'm so happy. My heart is very full. I feel blessed and honored na tinrust ako ng GMA, also Viva, na gampanan 'tong character na 'to. As much as possible, I want to switch my genre na kahit saan ako ilagay--kahit sa action, drama, comedy o ano man 'yan, kaya kong gawin as an artist," pahayag niya.

New experience din daw para sa kanya ang paggawa ng isang serye na sinubok ang kanyang galing sa drama pati ang kanyang physical fitness.

"'Yung sa action, ibang genre naman. Ayun lang talaga 'yung challenging, nakakapagod. Matagal din pala kapag nagshu-shoot sa isang action scene," lahad ni Angeli.

Buti na lang at may kaalaman na siya sa martial arts na kahit papano ay nakatulong sa kanyang trabaho.

"Nag-taekwondo ako noong 11 years old ago. Black belter [ako] at thankful ako na pina-taekwondo ako ng dad ko. Magagamit ko naman 'yung taekwondo skills ko, 'yung sports ko," paliwanag ng aktres.

Very appreciative din daw si Angeli sa tulong na natatanggap niya mula sa co-star at lead star ng Black Rider na si primetime action hero Ruru Madrid.

"He's a very talented professional actor. Talagang he'll drive you to be better in scenes. Nakaka-drive siya para mas maging okay ka sa scene," paglalarawan niya kay Ruru.

Ibinalik din naman ni Ruru ang papuri sa kanyang co-star.

"Nakakatuwa na si Angeli. Talagang very passionate siya sa ginagawa niya. Nakita ko na she's willing to learn, makinig sa mga advice. Sabi ko kay Angeli, kung talagnag gusto mo ng action, kakauyanin mo," papuri ni Ruru.


Patuloy na tumutok sa mga parating na episodes ng 2024 New York Festivals bronze medalist at 2024 Gandingan Awards Most Development-oriented Drama Program na Black Rider!

SILIPIN ANG MEDIA CONFERENCE PARA SA BAGONG YUGTO NG BLACK RIDER KUNG SAAN DUMALO SINA RURU MADRID, YASSI PRESSMAN, ANGELI KHANG AT IBA PANG MIYEMBRO NG CAST:



Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.

Kapit lang sa mas suwabe, mas maangas at mas kapanapanabik na bagong yugto ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.

Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.

Panoorin din ang buong ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras sa video sa itaas.