What's on TV

Angelic Guzman, inaming kailangan ang tibay ng loob sa pagharap sa bashers

By Maine Aquino
Published December 10, 2020 4:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Shear line caused most rainfall from November to March — study
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Angelic Guzman


Ibinahagi ng 'StarStruck' graduate na si Angelic Guzman na hindi naging madali ang kanyang pagharap sa bashers nang pumasok siya ng showbiz.

Inamin ni Angelic Guzman na ang pagharap sa bashers ang isang bagay na nahirapan siyang gawin nang makapasok siya sa showbiz.

Kuwento ng StarStruck season 7 graduate, mahirap umano ito lalo na kung bago ka lang sa industriya.

Angelic Guzman

Photo source: itsangelicguzman (IG)

Saad ni Angelic sa E-Date Mo Si Idol, "Sa una sobrang hirap siya, pero kapag nasanay ka na tatawanan mo na lang e. Kasi isipin mo na lang kapag ikaw gusto mong mag-artista, sabi ng manager ko, patibayan ng loob kasi hindi mawawala 'yung bashers kahit kanino."

Ayon pa sa Kapuso star, hindi maiiwasan ang maikumpara sa iba sa showbiz industry.

"Iko-compare ka kahit kanino pero lagi kong sinasabi sa sarili ko na kahit ano ang sabihin nila, ako lang naman nakakaalam sa sarili ko kung sino ako."

Dugtong pa ni Angelic, ang pinakamabuti umanong gawin sa mga taong namba-bash lalo na sa social media ay huwag na lamang itong pansinin.

"Wala silang karapatan na i-judge ako and at the same time hindi naman natin sila maiiwasan so ang gagawin na lang natin is to ignore them. Kasi parang kill them with kindness, not with bitterness."

Panoorin ang iba pang kuwento ni Angelic sa E-Date Mo Si Idol.

E-Date Mo si Idol: After the pandemic, saan mo gustong maka-date si Angelic Guzman?

E-Date Mo si Idol: Angelic Guzman, inihalintulad sa isang KANIN?

Get to know Angelic and the other StarStruck Season 7 ladies in this gallery: