
Siguradong masaya ang pag-welcome sa “Ber” months dahil good vibes at tawanan ang hatid ng The Boobay and Tekla Show.
Ngayong Sunday (September 7), sasalang ang rising sexy actress na si Angelica Hart sa matchmaking segment na “Pusuan Na 'Yan,” kung saan mayroong tatlong exciting bachelors.
Ang tatlong bachelors ay sina Mister National Universe Philippine Islands 2025 John Paulo dela Cruz, aspiring comedic actor Bernard Vios, at charming Campus Cutie mula Pampanga na si Migs Concepcion.
Sasabak ang tatlong boys sa fun challenges na siguradong maghahatid ng good vibes sa mga manonood. Sino kaya sa kanila ang mananalo sa puso ni Angelica?
Bukod dito, huwag palampasin ang Top 3 funniest home videos sa segment na “Pasikatin Natin 'To.”
Sabay-sabay tayong kiligin at tumawa sa kulitan sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, 10:05 p.m., sa GMA at 11:05 p.m. naman sa GTV.