
Ramdam pa rin ang disappointment ni board Member Angelica Jones a.k.a Miss Flawless sa nangyaring issue sa kanila ng content creator na si Sachzna Laparan.
Tumugon ang comedienne sa subpoena nina Madam Chariz Solomon at Vice Chair Pro Tempore Mikoy Morales sa Your Honor at dito, ikinuwento niya ang bad experience niya kay Sachzna.
Ayon sa naunang pahayag ni Angelica, nagulat daw siya na itinuloy ng controversial social media personality ang shoot nila sa Laguna kung saan kasama siya dapat. Pero nung nag-follow up si Angelica tungkol dito ay sinabihan siyang cancelled daw diumano.
Hindi rin daw nagpaalam si Sachzna o kahit sino man sa team niya na ire-revive ang kanta niya na "Miss Flawless".
Tinanong ni Madam Cha kung kilala ba niya si Sachzna Laparan, ang second generation na Miss Flawless.
“Actually, nung ako po ang chairman ng Tourism before nung second term ko as board member, I remember… 2019 ayun so ang sabi nila magsu-shoot daw sa Laguna at makikipag-meetup.
“Meetup for shooting na of course ipapaalam muna hindi mo totally sinabi. Ipapaalam parang meron silang idi-discuss. Siyempre, board member na ako nun, to be honest with you nakaka-offend 'yun on my part kasi elected official ako and then nag-react 'yung tourism ng Laguna na ang sabi ay hindi raw tuloy ang shooting, hindi raw tuloy 'yung pagpunta nila doon.”
“Nalaman ko na lang na pumunta sila dun sa fourth district [sa Laguna], nag-shoot at 'yung kantang 'Miss Flawless' [ginamit].”
Nagkausap din sila ng composer na si Lito Camo kung alam ba niya itong plano ni Sachzna Laparan.
“And tinanong ako ni Kuya Lito Camo, [tanong] sa akin: 'Bokal, nagpaalam ba sa 'yo sila?'
“Kasi sabi ko bago sila mag-shoot [at] ilabas 'yung kantang 'yan, magpaalam muna sa 'yo.” Sagot ni Angelica sa popular composer.
Nagkita na rin daw sila ng controversial content creator sa isang awards night pero never siyang in-approach nito.
“Wala silang sinasabing hi, hello. Pasensya na po or wala. As in walang paalam," sabi ng actress-politician. Pag-amin din ng comedienne, “Siyempre, kahit naman sino sasama ang loob. Pero you know what. lahat ng gawaing mabuti ina-award ni Lord. Ang gawaing masama. naniniwala ako na may balik din yan, ang mahalaga e nandito si original Miss Flawless.”
Sabat naman ni Chariz sa sinabi ng resource person, “Whatever her reasons are baka may dahilan siya and may chance pa. Normal naman 'yung makakasakit ka, masasaktan ka kasi tao tayong lahat. Hindi natin alam kung ano nangyari behind. Sana ma-workout nila and nag-guest kasi si Sachzna sa atin sa Bubble Gang before. So, hindi kami nagkakuwentuhan pero mukha naman siyang she is a good person. Sana lang huwag lang siyang mahiya, ma-intimidate. Baka nahihiya po sa inyo, sana maayos n'yo po.”
“I know she will acknowledge na you are the OG Miss Flawless and I hope magka-meet po kayo soon, magkausap.”
Sagot agad ni Angelica, “Wala naman problema sa akin puwede namang sabihin sorry, apologize. I will accept the apology kung meron pero as of now wala eh.”
Mapapakinggan din ang full episodes ng YouLOL Originals podcast sa Spotify, Apple Podcast, at ibang pang streaming sites.
RELATED CONTENT: Chariz Solomon, the multi-hyphenated comedienne