GMA Logo angelica jones
Source: angelicajonesalarva (FB)
What's on TV

Angelica Jones, niligawan noon ni Senate President Win Gatchalian

By Kristian Eric Javier
Published September 2, 2026 12:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE UPDATES: Martin Romualdez in PGH
Usa ka Pick Up Natuwad sa Cebu City | Balitang Bisdak
Alex Eala makes New York Fashion Week debut

Article Inside Page


Showbiz News

angelica jones


Si Senator Win Gatchalian ang politikong sana ay sinagot ni Angelica Jones noon—at aminado ang dating aktres na pinagsisisihan niyang hindi niya ito nabigyan ng pagkakataon.

Naging usap-usapan kamakailan ang pagbisita ni Miss Flawless Angelica Jones sa Your Honor podcast dahil sa ilan sa mga rebelasyon niya, kabilang na ang tungkol sa isang kasalukuyang senador na nanligaw umano sa kaniya.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong September 1, inamin ni Angelica na ang kasalukuyang Senate President na si Sherwin “Win” Gatchalian ang tinutukoy niyang politiko sa podcast.

Sa “Fast Talk” segment ng naturang programa, tinanong siya ng King of Talk na si Boy Abunda kung sinong pulitiko ang sana ay sinagot niya noon.

“Si Senator Sherwin Gatchalian,” sagot ng dating aktres.

Gayunman, nilinaw ni Angelica na bata pa siya nang manligaw sa kaniya si Win.

“Long, long time ago na po, bata pa po ako. When I was 22, siguro naging boyfriend ko muna po si former consular Bobby Yan. Mas una ko pong naging boyfriend si Consular Bobby Yan when I was 21,” kuwento niya.

Sa pagbabahagi ni Angelica, sobrang istrikto noon ng kaniyang ina at umabot pa sa puntong sinasamahan siya nito sa kaniyang mga date, kabilang na ang mga pagkikita nila ni Bobby at ni Win.

Ani Angelica, hindi sila umabot sa puntong naging magkarelasyon siya at ang kasalukuyang Senate President dahil sa pagiging overprotective ng kaniyang ina.

“Hindi po kami dumating sa point na 'yun kasi nga po that time, sobrang overprotective po 'yung mom ko. Hindi po ako nakakalabas mag-isa. Nakalabas po kami, nagkaroon ng dinner date, pero kasama ko po ang mama ko,” ani Angelica.

Kalaunan, hindi na niya nasagot si Win at na-link na ito sa iba.

Sa kabila nito, nananatiling single sina Angelica at Win, at inamin ng dating aktres sa Your Honor na pinagsisisihan niyang hindi niya sinagot noon ang manliligaw na senador.

KILALANIN ANG CELEBRITIES AT ANG KANILANG POLITICIAN PARTNERS SA GALLERY NA ITO: