GMA Logo Angelica Jones
Source: angelicajonesalarva (FB)
What's on TV

Angelica Jones, pinaghandaan ang pagpasok noon sa pulitika

By Kristian Eric Javier
Published September 2, 2026 3:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sydney sweats in spring hot spell, faces 'extreme' bushfire risk
Lea Salonga receives Hollywood Walk of Fame star
GMA Pinoy TV Unveils a September Screenfest to Remember!

Article Inside Page


Showbiz News

Angelica Jones


Pinatunayan ni Angelica Jones na may kakayahan siyang maging isang pulitiko sa lahat ng mga bumabatikos sa kanya noon.

Gaya ng ibang celebrities na pinasok na rin ang mundo ng pulitika, umani rin ng pambabatikos si Angelica Jones nang una siyang tumakbo bilang Board Member ng 3rd district ng Laguna noong 2010. Kaya naman, imbes na magpatalo sa bashers, pinatunayan niya ang kanyang kakayahan sa pag-upo sa puwesto.

“Nu'ng una po, Tito Boy, nu'ng first time ko as a board member, aaminin ko sa inyo, siyempre sasabihin nila nu'ng mananalo akong board member, when I was 25, turning 26 years old, sabi nila, 'Uy maganda lang 'yan, sexy lang 'yan, flawless lang 'yan. Ano ba ang alam niyan sa pulitika?'” pagbabahagi ni Angelica sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, September 1.

Kaya naman, para patunayan ang sarili at paghandaan ang pagpasok niya sa pulitika, nag-lie low muna si Angelica sa showbiz. Sa halip, pinagtuunan niya ng pansin ang kanyang pag-aaral.

“Nag-aral ako ng public administration, nag-aral ako ng political science, nagtapos po ako sa Christian University. Tapos nag-aral din po ako sa UP ng short courses; political science, nag-aral din po ako ng strategic management, nag-aral din po ako sa Melbourne, Australia,” sabi ni Angelica.

KILALANIN ANG CELEBRITIES NA TUMAKBO SA NAGDAANG ELEKSYON NOONG 2025 SA GALLERY NA ITO:

Pagpapatuloy ng dating aktres, “Binuhos ko 'yung oras ko, 'yung time ko sa pag-aaral ko at serbisyo sa taong-bayan. Kasi gusto kong i-prove sa mga constituents ko, sa lahat ng tao na hindi lahat showbiz e ganu'n po, kumbaga, lahat ng showbiz, may talino at may puso po.”

Bukod sa pagiging board member, naging committee chairperson din si Angelica ng Livelihood at Public Works and Utilities Committee ng Laguna. Naging Vice Chairperson din siya ng Committee on Ethics at Chairperson ng Tourism ng Laguna.