GMA Logo angelica jones
Source: angelicajonesalarva (FB)
What's on TV

Angelica Jones, umaasa pa ring makilala ng anak ang kanyang ama

By Kristian Eric Javier
Published September 2, 2026 2:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

AFP: China's Batanes claim part of coordinated malign influence campaign
Stroke patient, pumanaw matapos hindi mailipat sa ibang ospital dahil sa baha | Reporter's Notebook
Francis Libiran apologizes; addresses his controversial use of Maguindanaon fabric Inaul

Article Inside Page


Showbiz News

angelica jones


Ayon kay Angelica Jones, hindi pa rin kinikilala ang kanyang anak ng ama nito.

Naging matunog ang balita noong February 2024 nang umapela ang dating aktres na si Angelica Jones na kilalanin ng dating partner ang kanilang anak na si Angelo. Ayon sa aktres, nahihirapan noon ang kaniyang anak sa ilang mga legal na dokumento dahil hindi pumirma ang ama nito sa kaniyang birth certificate.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, September 1, inamin ni Angelica na hanggang ngayon ay hindi pa rin kinikilala ng kaniyang ama si Angelo.

“As of now po, wala pa rin po. I'm hoping na sana po 'yung sa anak ko po ay maayos and, actually, sumulat na po 'yung anak ko sa dad niya,” sabi ni Angelica.

Dagdag pa ng aktres, “Actually, noong na-hospital ako, twice, sumulat nga po ako sa tatay ni Angelo and si Angelo, just in case na may mangyari sa akin, mawala ako, nire-request namin na sana, of course, bigyan ng oras, kilalanin ng tatay ang kaniyang anak.”

Ang paniniwala ni Angelica, hindi naman siguro ayaw kilalanin ng ama ang anak niyang si Angelo, at sinabing maaaring abala lang ito sa mga bagay-bagay.

TINGNAN ANG ILANG TENDER MOMENTS NI ANGELICA KASAMA NG ANAK NA SI ANGELO SA GALLERY NA ITO:

Ayon kay Angelica, nagtatanong na rin sa kaniya ang anak niya.

“Ako kasi, ang sinasabi kasi sa 'kin ng anak kong si Angelo, bakit hindi daw po ako nagdedemanda, bakit hindi ko daw kasuhan, e, mambabatas ako. Ang sabi ko naman sa anak ko, 'Anak, kahit anong mangyari, he's still your father.'”

Alam naman umano ni Angelica na nararamdaman ng kaniyang anak na may kulang sa kaniya. Ngunit sa kabila nito, sinabi ng dating aktres na mahal na mahal niya si Angelo.

“May kulang man sa 'yo or may hinahanap ka, lagi mong isipin na God loves you and nandito si Mama Bek, nandito si Mama Angelica. Alam kong nagsisikap kang mag-aral, ang gusto mong lagi kang [may] honor,” sabi ng dating aktres.

Ang hiling lang ni Angelica sa anak, huwag na itong mag-check ng social media accounts ng kaniyang ama at tingnan kung ano ang buhay na meron sila.

“Ang isipin niya, yung buhay namin ngayon na content and happiness, na mahalaga yung peace of mind, ang mahalaga 'yung buhay ako, kaya kong ibigay yung para sa anak ko,” sabi ng dating aktres.