
Sinagot ng engaged couple na sina Angelica Panganiban at Gregg Homan ang tanong ng kanilang fans at supporter sa latest vlog entry nila sa 'The Homans' channel.
Sa kanilang Q&A session, naging bukas sila sa publiko sa buhay nila ngayon bilang magulang ni Amila Sabine o Baby Bean.
Natanong pa ang fiance ni Angelica, kung kumusta ang adjustment niya sa celebrity life.
Pag-amin ni Gregg, “It's easy, but it is very difficult”, natatawang sabi nito, “I don't know it's weird when people come to get [or] ask for photos when you are not around.
Sabat naman ng Kapamilya actress, “Kasi may nagpupunta sa shop ni Gregg, kung saan siya nagwo-work para lang magpa-picture sa kaniya.”
Pagpapatuloy ng businessman, “It's weird like when I go to my suki sa palengke and I go to the market and people look for you sa palengke, stuff like that. I don't hate it, I'm adjusting well.”
May pakiusap din ang dalawa sa mga tao na kumukuha ng larawan ng kanilang anak na si Amila. Isinilang ni Angelica ang kanilang baby daughter noong September 2022.
Paliwanag niya, “Mas cautious kami doon na gusto nila picturan 'yung bata, so kami, 'pasensya na po'. So, sana sa mga nanonood din sa amin...”
Sundot naman ni Gregg, “Okay lang if you get photos of me and Angge pero when the baby is involved...”
“'Pag buhat namin 'yung bata, parang baka puwede na huwag na lang. Hintayin na lang natin na lumaki siya, 'tapos mero'n na siyang desisyon kung papayag siya magpa-picture or hindi,” dagdag ni Angge.
Sa isang bahagi rin ng kanilang Q&A session, inilahad din ni Gregg Homan ang ilan sa kanilang konsiderasyon sa tuwing gagawa ng commercial ang kanilang anak na si Bean.
Saad ng future husband ni Angelica, “Cause we did do one. We agree that we will let her do commercials as long as it's fun for her and it doesn't feel like work. We don't want her childhood to be hindered by work. So, we want any commercials to be fun for her.”
SEE MORE CUTE PHOTOS OF AMILA SABINE IN THIS GALLERY: