
Masayang ipinasilip ni Angelica Panganiban ang recent bonding moments nila ni Amila Sabine.
Ilang photos at videos ang inupload ni Angelica sa kanyang Instagram account, kung saan makikitang sabay silang nag e-enjoy ng kanyang baby girl habang nagsu-swimming.
Mapapansin na brave girl si baby Bean habang nasa swimming pool.
Kita rin sa post ang ilang adorable photos ni Amila habang hawak niya ang kanyang swimming float board.
Sulat ng celebrity mom sa caption, “Life goes on.”
Labis namang kinagiliwan ng netizens ang swimming pool date ng mag-ina.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 95,000 likes ang naturang post ni Angelica sa Instagram.
Nitong June 2024, ipinasilip ng aktres sa isang vlog ang ilang naging kaganapan sa first day ni Amila sa school.
Mayroon na itong 601,000 views ngayon sa YouTube.
Ang cute na cute na si Amila Sabine ay anak ni Angelica sa kanyang non-showbiz husband na si Gregg Homan.