GMA Logo heart evangelista and angelica panganiban in heart world
What's on TV

Angelica Panganiban finds comfort in Heart Evangelista's kindness after mom's death

By Jansen Ramos
Published April 1, 2026 7:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alden Richards preparing for upcoming medical drama series ‘Code Gray’
Maalinsangang panahon, asahan sa mga nalalabing araw ng Semana Santa | One North Central Luzon
Farm To Table: Ano'ng food trip mo this summer?

Article Inside Page


Showbiz News

heart evangelista and angelica panganiban in heart world


Sa kabila ng kanilang misunderstanding, nanaig ang pagkakaibigan nina Heart Evangelista at Angelica Panganiban sa panahong kailangan ng sandalan ng huli nang pumanaw ang kanyang ina.

Binalikan ni Angelica Panganiban ang hindi niya makalilimutang kabaitan ng kanyang kaibigang si Heart Evangelista sa pinakamasakit na pangyayari sa kanyang buhay.

Sa latest episode ng reality series na Heart World, ibinahagi ni Angelica na isa si Heart sa mga taong nagpaabot sa kanya ng pakikiramay nang pumanaw ang kanyang inang si Annabelle "Ebela" Panganiban noong August 20, 2024.

Pag-alala ni Angelica, "Actually, nag-iwan ka ng letter, tapos sobrang gulat ko. 'Tapos, pagdating ko sabi sa 'kin, 'Angel, pinapaabot ni Heart, nagpunta s'ya dito kanina. Si Heart?' As in grabe yung iyak ko, parang, 'Anong oras? Bakit 'di n'yo 'ko tinawagan?' Naiiyak ako kasi, of course, yun yung pinakamalungkot na pwedeng mangyari para sa 'yo, 'di ba, na magpaalam ka sa magulang mo nang biglaan, e. 'Di ka prinepare, 'di ko s'ya nakitang tumanda, 'di s'ya nagpaalaga, 'di s'ya nagkasakit."

Noong panahong iyon, walang naramdamang galit si Angelica kay Heart sa kabila ng kanilang tampuhan.

Dugtong niya, "Regadless sa inis n'yo sa isa't isa and, of course, wala ka nang nararamdamang gano'n. Bakit kindess yung naramdaman ko and bakit gusto mong yakapin yung taong yun? Parang, 'Nasaan siya? Saan siya ngayon? Saan ko siya pupuntahan?"

Kahit nawala man ang kanilang komunikasyon noon, gumawa ng paraan ang isa't isa para mag-reconnect sila sa panahong kailangan ni Angelica ng masasandalan.

Kwento ni Angelica, "As in nag-struggle ako hanggang no'ng gabi, pinag-iisipan ko kung me-message ko ba siya. 'Tapos, 'di ko alam kung yun pa rin yung number niya. Pero ang sarap sa feeling after na napadala mo na yung message, 'tapos parang okay, okay na yun. 'Tapos wala na, bahala na yung universe, bahala na si Lord sa mga pwedeng susunod na mangyari dito."

Mapapanood ang Heart World tuwing Sabado, 9:30 p.m. sa GMA.

Available ang episodes, highlights, at iba pang exclusive content ng Heart World sa GMANetwork.com at sa GMA Play, ang official video streaming app ng GMA.

Ipinapalabas din ang reality series worldwide via GMA Pinoy TV.

RELATED GALLERY: Heart Evangelista, Anne Curtis, and Angelica Panganiban's friendship through the years