
Magkahalong tuwa at takot ang naramdaman ni Angelica Panganiban nang malaman niyang ipinagbubuntis niya ang kanilang anak ni Gregg Homan.
Ibinahagi ni Angelica ang video kung saan emosyonal niyang ibinahagi ang resulta ng kanyang pregnancy test. Ipinagbubuntis ni Angelica ang unang anak nila ng kanyang partner na si Gregg.
Saad ni Angelica habang umiiyak, "Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto ko 'to pero natatakot ako."
Photo source: YouTube: The Homans
"Kaya ko ba? Kaya ko ba?" Paulit-ulit na tanong ni Angelica sa mga kaibigan.
Isa rin sa inamin ni Angelica sa video ay kung kaya niya bang magpalaki ng sarili niyang anak.
Saad niya, "Natatakot ako. Kaya ko bang magpalaki ng bagets?"
Ayon pa kay Angelica, hindi si Gregg ang unang nakaalam na buntis siya dahil papasok pa lamang siya sana noon sa isang lock-in taping.
Sa vlog naman ni Meryll Soriano ay ikinuwento ni Angelica na matagal na nilang sinusubukang magka-baby ni Gregg. Ibinahagi rin ni Angelica na ang blessing ay dumdating sa tamang oras.
"Naniniwala ako na kanyang-kanyang panahon yan. Kanya-kanyang timing sa pagbibigay ng magandang blessing sa atin.”
Panoorin ang vlog ni Angelica rito: