
Excited na sina Angelica Panganiban at Gregg Homan sa pagdating ng kanilang anak.
Sa kanilang YouTube channel, ibinahagi nila ang proseso ng pagbuo ng nursery ng kanilang first baby. Ipinakita rin nina Angelica at Gregg ang ilang detalye ng mga gamit nila sa nursery.
PHOTO SOURCE: YouTube: The Homans
Puno naman ng pasasalamat si Angelica sa mga regalong natanggap ng anak mula sa kanyang mga kaibigan. Ilan sa mga nagbahagi ng regalo sa unang anak ni Angelica ay sina Glaiza De Castro, Meryll Soriano, at Ketchup Eusebio.
Saad pa nina Angelica at Gregg, excited na sila sa pagdating ng kanilang anak.
"This took a while to finish but we're glad that the nursery room is almost done. We are so excited for our baby to get here!"
Panoorin ang vlog nina Angelica at Gregg:
TINGNAN ANG BABY SHOWER NI ANGELICA PANGANIBAN DITO: