
Hindi lubos maitago ni Angelica Panganiban at asawang si Greg Homan ang saya nang dumating sa buhay nila si Bean. Ngunit ang aktres, may nakakatawang reaksyon nang una niyang masilayan ang anak.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, December 15, binalikan ni Angelica ang naging pagbabago ng buhay nila simula nang dumating si Bean o Amila Sabine.
“Actually, tuluy-tuloy 'yung pagbabago niya mula nu'ng nabigay sa 'min si Bean, parang yearly, e. may pagbabago. Siyempre, nung una talagang beybing-baby siya. Three-month old siya nu'ng unang Pasko niya, parang wala pa rin talaga, masaya lang, alam mong may baby. Pero ngayon kasi, of course, nagsasalita na, naglalaro na, alam na niyayung Christmas ngayon, e,” pagbabahagi ni Angelica.
Ngunit isang bagay na hindi malilimutan ni Angelica, ang unang reaksyon niya nang makita si Bean na may blue eyes at blond hair.
“'Ano 'yan?' Sabi ko talaga, 'Ano 'yan?' Kasi Tito Boy, na-emergency ceasarian ako, so hindi ako makabangon. So, every time binibigay sa 'kin 'yung bata para padedehin, para bang sinusubsob na siyang paganu'n, so hindi ko nakikita fully 'yung istura niya,” pagkukwento ni Angelica.
TINGNAN ANG ILAN SA SWEET MOMENTS NINA ANGELICA AT BEAN SA GALLERY NA ITO:
Pagpapatuloy ni Angelica, tuwing binubuksan umano ng anak ang mga mata ay nagisisgawan sina Greg at ang pamilya nila. At dahil hindi siya makatayo para makita, para umano siyang kawawa na nagtatanong kung ano ang nangyayari.
“So pinicturan nila, pinakita sa 'kin yung mata. Sabi ko talaga, 'Ano 'yan? Bakit blue? Saan galing?'” pag-alala ni Angelica.
Maiintindihan daw niya ang blond hair ni Bean dahil pinaglihian niya, at sa katunayan ay pinagdasal na makuha nito, ang balahibo ng kanilang chocolate labrador.
“So ang sabi ko talaga, 'Gusto ko, ganito 'yung hair, Lord, a?' Kasi para ko nu'ng pinaglilihian 'yung buhok ng aso namin. Kaya doon sa pagiging blond, medyo ano pa 'ko, may pinaglihian ako diyan. 'Yung mata talaga, sabi ko, 'Ano 'yan? Saan galing 'yan?'” sabi ni Anjelica.
Sa huli, napagdugtong-dugtong nila na nakuha ni Bean ang kaniyang blue eyes sa lolo nito.
Related gallery: Famous Filipino celebrities with foreign blood