GMA Logo Angelica Panganiban on marriage
Celebrity Life

Angelica Panganiban on settling down: "Hindi sa lahat binibigay 'yun"

By Aedrianne Acar
Published March 5, 2020 7:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace on Bong Revilla: Allies won't be spared
Resolusyon aron Mabalik ang Karaang Pamaagi sa Fluvial Procession, Giduso | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News

Angelica Panganiban on marriage


Aminado ang TV and movie actress na si Angelica Panganiban na gusto rin niyang magkaroon ng sariling pamilya.

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

“Being single is the trend nowadays.”

Naalala n'yo ba ang patok na linya na ito ni Seo Dan (Seo Ji Hye) sa Crash Landing On You?

Kaya kung single ka, don't you worry at tila ito din ang sinasapuso ng aktres na si Angelica Panganiban nang tanungin ng netizen sa Twitter patungkol sa pag-aasawa.

Tumugon si Angelica sa tanong ng netizen na si @yuRi_ka12 kung kumusta na ang lagay ng kanyang love life.

“How's your love life? Dika ba minsan napapa isip na Yung ibang kasabay mo sa showbiz may kids na or family na, tapos kaw Wala pa? Pero I know happy ka and successful. Just want to know if sumasagi sa isip mo Yun. #lablab.”

Nag-reply naman si Angge at sinabi na gusto rin niya ng sariling pamilya at magkaroon ng anak, pero alam din niya na hindi sa lahat ibinibigay ang ganun klaseng buhay.

Aniya, “Always. Gusto ko ng family. Kids. Pero hindi sa lahat binibigay yun. Okay naman ako.”

LOOK: Angelica Panganiban, tila may hamon sa Instagram sa manliligaw sa kaniya

READ: Angelica Panganiban gets into a car accident in Japan