
Anim na taong gulang lamang nang pasukin ni Angelica Panganiban ang mundo ng showbiz. Una siyang nakilala bilang isang child star, hanggang sa tuluyang sumikat bilang teen star, at kalaunan ay kinilala bilang isang mahusay na dramatic actress sa telebisyon at pelikula.
Sa ngayon, happily married si Angelica sa Filipino-Australian entrepreneur na si Gregg Homan at mayroon silang isang anak: ang tatlong taong gulang na si Amila Sabine o "Bean".
Sa latest episode ng reality series na Heart World na ipinalabas noong Sabado, March 28, kinamusta si Angelica ng longtime friend niyang si Heart Evangelista, na kung tawagin niya ay "Pal."
Ibinahagi ni Angelica ang best part ng relationship nila ni Gregg, bagay na hindi niya naramdaman sa kanyang past boyfriends.
Aniya, "Automatic yung tiwala ko sa kanya, Pal. Automatic yung pakiramdam na safe ako sa kanya."
Pagdating naman sa parenting, masaya si Angelica na naipapasa niya ang mga natutunan niya noon, habang i-adjust ang mga dapat baguhin para sa mas maayos na pagpapalaki ng kanyang anak.
"Feeling ko kasi ngayon, may opportunity ka na gawin kung ano yung natutunan mo doon sa na-experience ko bilang anak, and then to rewrite kung ano yung mga ayaw mo. And na-realize ko, meron ka lang one chance pala talaga. Meron ka pang one chance para gawin yun nang tama, so kailangan mong galingan."
Cool mom ba si Angelica o strict mom? Tugon niya, "Well, nasa cool ako. Si Gregg yung nagdi-discipline."
Sabi pa niya, bagamat strong ang kanyang personality, malambot ang kanyang puso pagdating kay Bean.
Paliwanag ni Angelica, "May route kasi akong laging pinupuntahan. Usong-uso yan ngayon yung gentle parenting. So lagi akong kaya 'to e, kaya na hindi ako kailangan mag-raise ng voice ko na hindi ko siya sisigawan but, of course, may mga times na you have to... yung kapag in danger talaga. Maloloka ka na lang."
Payag ba si Angelica na pasukin ang showbiz ng kanyang anak?
Sagot niya, "Ang gusto ko hindi dito sa Pilipinas, so kung gusto mo talaga, tara mag-London tayo. Do'n kita pag-aaralin, do'n ka mag-explore. Ayaw kitang makita sa Bulgar bukas dahil may ganito kang ginawa kagabi. Kung maibabalita ka, British tayo. Mas British news tayo."
Panoorin ang masayang kwentuhan nina Heart at Angelica dito:
Mapapanood ang Heart World tuwing Sabado, 9:30 p.m. sa GMA.
Available ang episodes, highlights, at iba pang exclusive content ng Heart World sa GMANetwork.com at sa GMA Play, ang official video streaming app ng GMA.
Ipinapalabas din ang reality series worldwide via GMA Pinoy TV.
RELATED GALLERY: Heart Evangelista, Anne Curtis, and Angelica Panganiban's friendship through the years