GMA Logo angelica panganiban
Photo source: iamangelicap (IG), ramsayderek07 (IG), johnlloydcruz83 (IG)
What's Hot

Angelica Panganiban, ramdam na hindi aabot sa kasalan ang relasyon kina Derek Ramsay, John Lloyd Cruz

By Karen Juliane Crucillo
Published December 14, 2025 2:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Maki, IV of Spades, more Filipino artists make it to Dazed100 Asia
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE
Nadine Samonte undergoes geneplant cancer screen test

Article Inside Page


Showbiz News

angelica panganiban


Nagkuwento si Angelica Panganiban tungkol sa naging relasyon niya kina Derek Ramsay at John Lloyd Cruz. Basahin dito:

Binalikan ni Angelica Panganiban ang kanyang naging relasyon sa mga aktor na sina Derek Ramsayat John Lloyd Cruz.

Sa interview ni Karen Davila para sa kanyang YouTube vlog, tinanong ng reporter at TV host kung nakita niya ba ang kanyang sarili na pakakasalan sina Derek o si John Lloyd noong sila pa.

“No. Ang bilis ko sumagot, di ba, pero no,” sagot ni Angelica.

Sabay paliwanag niya, "I think with Derek, kahit na matagal kami, I didn't see him na pupunta talaga doon, na parang may plano mag-settle, wala,” pahayag niya.

Dagdag pa niya, “Siguro kasi every now and then, may problema—like, eto na naman, may issue na naman, may away na naman.”

Samantala, inamin ni Angelica na malinaw naman sa kanya na ayaw magpakasal ni John Lloyd noon.

“With John Lloyd, I think clear sa relationship namin na ayaw niyang magpakasal. Then, kapag ako naman, kapag nalulungkot ako, di naman palaging masaya 'yung relationship namin, kapag nalulungkot ako, 'Ay ano pa bang ginagawa ko dito? Hindi naman ako pakakasalan, e, 'yun ang gusto ko.' May ibang babae kasi na gusto rinyun di ba na hindi rin magpakasal, ako gusto ko, e,” aniya.

Naging magkasintahan sina Angelica at Derek noong 2006 at kinumpirma ang kanilang hiwalayan noong 2012.

Samantala, sina Angelica at John Lloyd naman ay naging magkarelasyon mula 2012 hanggang 2016.

Ikinasal si Angelica sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan bago matapos ang taong 2023. Nag-renew sila ng kanilang wedding vows noong April 2024 at mayroon silang anak na babae na si Amila Sabine, na isinilang noong September 2022.

RELATED GALLERY: The cutest photos of Angelica Panganiban and Gregg Homan's daughter Amila Sabine that will brighten your day