GMA Logo Angelica Panganiban in Fast Talk With Boy Abunda
Source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Angelica Panganiban, umiwas na makita kasama si Glaiza De Castro sa GMA?

By Kristian Eric Javier
Published December 16, 2025 11:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PH aims to boost cruise tourism growth
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Angelica Panganiban in Fast Talk With Boy Abunda


First time nakapasok ni Angelica Panganiban sa GMA Network.

Sumabak kaagad sa Fast Talk with Boy Abunda si Angelica Panganiban sa unang pagtapak niya sa GMA Network! Pagbabahgi ng aktres, iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakapasok siya sa building ng network, kahit matalik silang magkaibigan ni Glaiza De Castro.

Nitong Lunes, December 15, ibinahagi ni Angelica na iyon ang first time na nakapasok siya ng GMA. Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na matalik niyang kaibigan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre star na si Glaiza.

Kaya naman, tanong ni King of Talk Boy Abunda, “Hindi ka dinadala ni Glaiza dito?”

Sagot ni Angelica, “Hindi, hindi talaga. Nakakadalaw ako sa mga taping niya outside GMA building. Pero medyo panakaw din 'yung mga bisita ko du'n.”

Pag-amin ni Angelica, “medyo strange” kasi na makita siyang kasama ni Glaiza sa taping, dahil magkaiba sila ng network.

Dugtong pa ni Boy, “Baka hindi rin maunawaan, baka kinabukasan, sasabihin, 'Ay, may ginagawa nang teleserye si Angelica sa GMA 7.'”

Sinang-ayunan naman ito ni Angelica, at sinabing ayaw niya munang gumawa ng gulo dahil sa sasabihin ng mga tao lalo na at inaalagan niya ang kaniyang peace.

TINGNAN ANG MAGANDANG PAGKAKAIBIGAN NINA ANGELICA AT GLAIZA SA GALLERY NA ITO:

Isa si Glaiza De Castro sa mga premyadong aktres ng GMA Network at bumibida sa ilan sa pinakamalalaking serye ng network.

Hindi rin maipagkakaila ang pagkakaibigan nina Angelica at Glaiza lalo na at madalas silang lumabas na magkasama. Sa katunayan, may mga pagkakataon pang nanood sila ng pelikula nang magkasama, o kaya naman ay nagbabakasyon kasama ang kanilang mga asawa.