GMA Logo angelica panganiban
Source: iamangelicap (Instagram)
What's Hot

Angelica Panganiban welcomes first child with Gregg Homan

By Jimboy Napoles
Published September 23, 2022 3:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

angelica panganiban


Angelica Panganiban sa kanyang baby girl: "Bean waiting for you all my life."

Isa nang certified celebrity mom ang aktres na si Angelica Panganiban matapos niyang ipanganak ang unang baby nila ng kanyang non-showbiz partner na si Gregg Homan.

Sa pamamagitan ng Instagram post ngayong Biyernes, September 23, ibinahagi ng aktres ang larawan ng kanyang healthy baby girl, na pinangalanan nila bilang si Amila Sabine Homan.

"Bean waiting for you all my life," caption ni Angelica.

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

Sa nasabing post, makikita rin sa caption na nitong Martes, September 20, pa na nanganak ang aktres.

Inulan naman ng maraming pagbati si Angelica at Gregg mula sa kanilang mga kaibigan.

Sa comment section, nag-iwan din ng love emoji si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera habang may simple and sweet message naman ang childhood friend ni Angelica na si Camille Prats.

"Sissssss [crying emojis] congratulations!!!!!! she's got your eyes," mensahe ni Camille.

March 2022 nang ibinalita ni Angelica na siya ay nagdadalang tao sa unang anak nila ni Gregg, na dalawang taon na niyang karelasyon.

SILIPIN NAMAN ANG STUNNING MATERNITY PHOTOS NI ANGELICA SA GALLERY NA ITO: