
Nitong Miyerkules, August 21, malungkot na ibinalita ni Angelica Panganiban na pumanaw na ang kanyang ina na si Annabelle “Ebela” Panganiban.
Binawian ng buhay si Mommy Ebela sa edad na 61.
Makikita sa latest post ng aktres sa Instagram ang ilang detalye tungkol sa burol ng kanyang ina.
Sa comments section, mababasa ang mga mensahe ng pakikiramay ng ilang celebrities at netizens para sa Panganiban family.
Samantala, hindi inilahad ni Angelica sa kanyang post ang dahilan ng pagpanaw ng kanyang ina.
Matatandaan na matapos ang second wedding ng aktres at ng kanyang partner na si Gregg Homan, nagbigay-pugay ang una sa kanyang Mommy Ebela.
Ayon sa naturang appreciation post ni Angelica para sa kanyang ina, “Ikaw [Mommy Ebela] ang kayamanan ko na kaya kong ipagmalaki kahit kanino dahil ang lahat ng aral na napulot ko sa'yo ang ipapamana ko sa pamilya ko...”
Ang aktres ay isang hands on mom sa adorable daughter nila ni Gregg na si Amila Sabine.
Related gallery: Meet Angelica Panganiban's daughter Amila Sabine Homan