GMA Logo angelika dela cruz mika dela cruz
What's Hot

Angelika Dela Cruz, aminadong maraming nakaaway para ipagtanggol si Mika Dela Cruz

By Felix Ilaya
Published April 7, 2020 3:00 PM PHT
Updated April 7, 2020 3:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SMC to waive toll fees for Christmas, New Year
P7M suspected shabu seized; 4 nabbed in NorthMin drug busts
Marian Rivera meets Hirono creator Lang and gets an autographed illustration

Article Inside Page


Showbiz News

angelika dela cruz mika dela cruz


Sa latest vlog ni Angelika Dela Cruz, nakipaglaro siya ng "Sister Tag" sa kapatid niyang si Mika Dela Cruz. Dito, inamin ni Angelika na napapaaway siya sa tuwing may nambu-bully kay Mika.

Naglaro ng "Sister Tag" ang Kapuso siblings na sina Angelika Dela Cruz at Mika Dela Cruz sa pinakabago nilang vlog.

Sa video, tinanong kung sino sa kanilang magkapatid ang madalas na may nakakaaway.

Agad na inamin ni Angelika na siya raw ang mas palaaway 'pag dating sa kanilang dalawa ni Mika.

Pinaliwanag naman ni Angelika na kaya lang naman daw siya nang-aaway dahil daw nagpapaapi ang kaniyang nakababatang kapatid.

"Ito kasi, laging nagpapa-bully," sabi ni Angelika tungkol kay Mika.

"Siyempre 'pag nakikita kong binu-bully siya, nabubuwisit ako kasi, 'di ba, parang 'Bakit? Pagtanggol mo 'yung sarili mo.' Ayaw! 'Wag na lang, hayaan mo na lang sila.'

"Siyempre 'yung ate 'yung magagalit."

Panoorin ang kulitan time ng magkapatid na sina Angelika at Mika Dela Cruz sa kanilang "Sister Tag" YouTube video, below:

IN PHOTOS: Non-showbiz celebrity siblings na may "artista factor"