GMA Logo Angelika and Mika dela Cruz
What's on TV

Angelika dela Cruz, madalas napapaaway dahil kay Mika dela Cruz?

By Nherz Almo
Published December 24, 2020 4:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Angelika and Mika dela Cruz


"Wala kaming secrets," sabi ni Angelika dela Cruz tungkol sa relasyon nila ng nakababatang kapatid niyang si Mika dela Cruz.

Nagkabistuhan ang magkapatid na sina Angelika dela Cruz at Mika dela Cruz nang mag-guest sila sa Mars Pa More noong Lunes, December 21.

Sa segment na "Siblings Laglagan," sumailalim sa fast talk ang celebrity siblings.

Ilan sa mga tanong ng Mars Pa More hosts na sina Camille Prats at Iya Villania ay "Sino ang madalas napapaaway?" "Sino ang mas kunsintidora?" at "Sino ang totoong diva sa inyo?"

At ang mga sagot sa tanong na ito ay ang ate ni Mika na si Angelika.

Pabirong nagtaas ng kilay si Angelika nang muling tanungin ni Iya kung sino sa kanila ang madalas napapaaway.

Ayon kay Mika, "Siya po ang nakikipag-away para sa akin. Kasi ako, tahimik madalas, nandoon ako sa stage na yung hindi ko pa kaya.

"Nandoon pa ako sa stage na hindi ko pa kayang maging firm, so lahat 'yan, 'Akin na 'yan, sino 'yan?' Si ate lahat."

Dagdag na paliwanag ni Angelika, nagiging tagapagtanggol siya noon ng nakababatang kapatid laban sa mga bully.

Aniya, "Kasi, lagi siyang nabu-bully. Hindi kasi siya confrontational, hindi niya pinagtatanggol ang sarili niya.

"Siyempre, ako, bilang ate, ako yung nagagalit.

"Parang kapag alam mong wala kang ginawang masama, you have to defend yourself. Hindi yung papa-bully ka 'tapos cryola-cryola, di ba? 'Tapos, ako yung magagalit, ako yung, "Akin na 'yan! Sino 'yan!"

Samantala, pinatunayan naman ng magkapatid na celebrity ang pagiging malapit nila sa isa't isa.

Paglalarawan ni Angelika, "Wala kaming secrets, e. Alam niya lahat, alam ko lahat.

"Kasi nga malaki yung gap namin, so hindi kami yung tipong magkapatid na nag-aaway, sibling rivalry, wala kaming ganun, e, para lang kaming barkada.

"At saka naga-guide ko siya. Magkabarkada kami, at the same time, nakakapag-bigay ako ng advice sa kanya kasi, siyempre, mas mature ako sa kanya."

Panoorin ang nakatutuwang "Siblings Laglagan" nina Angelika at Mika sa Mars Pa More:

Samantala, narito ang ilang pang mga larawan na magpapatunay ng closeness ng magkapatid na Angelika at Mika dela Cruz: