
Hindi malilimutan ng versatile actress na si Angelika dela Cruz ang mga sandali na nakatrabaho niya ang internationally acclaimed actress na si Jaclyn Jose sa drama series na Mundo Mo'y Akin.
Nabigla ang buong Philippine entertainment industry matapos lumabas ang balita na pumanaw na si Jaclyn o Mary Jane Guck sa totoong buhay.
Sa presscon nito lamang March 4, kinumpirma ni Andi Eigenmann na pumanaw noong March 2 ang kaniyang nanay, dahil sa heart attack.
Samantala sa Instagram post ni Angelika kahapon, March 7 nang dumalaw sa burol ni Jaclyn, nagbigay-pugay siya sa nag-iisang Doña Charito Carbonel.
Sabi niya, “Paalam Tita Jane .. You have accomplished many good things in life. You worked hard for your family and always followed the path of honesty. You sleep well, my friend. God has a beautiful reward for you. Rest in Peace sa nag-iisang Jaclyn Jose.
Related Gallery: Celebrities mourn the death of Jaclyn Jose
May post din ang co-star ni Angelika na si Louise delos Reyes na gumanap naman Marilyn sa parehong serye para sa kaniyang Tita Jane.
Lahad niya, “Tita Jane, it has been such a pleasure working with you. Simula pa lang ng 'Mundo Mo'y Akin' hanggang sa pinakahuli nating pinagsamahan Deadly Love, never kang nagbago, never kang naging madamot na kaeksena at katrabaho.”
“Mapa-career man, love life, pamilya every time makapagusap tayo palagi kong aalahanin mga advices mo sakin. Maraming-maraming salamat sa lahat.”
Natapos umere sa TV ang Mundo Mo'y Akin na pinagbibidahan nina Louise at Asia's Multimedia Star Alden Richards noong September 2013.
Balikan ang ilan sa memorable moments ni Doña Charito sa video below.
SAMANTALA, TINGNAN SA IBABA ANG ILANG CELEBRITY DEATHS NA IKINAGULAT NG MARAMI: