GMA Logo Angelika dela Cruz
Source: Angelika dela Cruz (FB)
What's Hot

Angelika dela Cruz, pinadalhan ng bala sa barangay hall kung saan siya ay tumatayong barangay captain

By Aedrianne Acar
Published June 8, 2022 8:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Angelika dela Cruz


“Napakadumi po talaga ng pulitika sa ating bansa”- Angelika dela Cruz

Nakababahala ang Facebook post ng Daddy's Gurl actress na si Angelika dela Cruz, kung saan 'tila nakatanggap ito ng death threat.

Sa post nito kahapon, June 7, ipinakita ng aktres ang natanggap niyang sulat mula sa kapirasong papel at apat na bala na kalakip nito.

Kasalukuyang nagbabakasyon si Angelika sa bansang Thailand.

A post shared by Angelika Dela Cruz 💜 (@angelikadelacruz)

Ayon sa kaniya na lubhang napakadumi ng pulitika sa bansa, “Napakadumi po talaga ng pulitika sa ating bansa .. yan po ang sulat at bala na pinadala sa XO ng aming Barangay na nagsasabi na may 4 daw na susunod at kaya may umiikot na 'di kilala sa bahay namin magkapatid.. grabe naman kayo kung sino man kayo na gumagawa nito sa amin.”

Grabe naman ang pag-aalala ng fans at followers ni Angelika na nagsisilbing Barangay Captain ng Longos, sa Malabon City.

Angelika dela Cruz FB

Matatandaan na bago ang eleksyon noong Mayo 9, humarap sa miyembro ng press ang former Encantadia star na si Alfred Vargas at kapatid na si PM, para isiwalat na nakatanggap sila ng death threat.

Nanalo si PM bilang congressman ng 5th district ng Quezon City at magsisilbi naman city councilor ng Quezon City si Alfred matapos magwagi rin sa eleksyon.

Balikan ang ilang experience ng celebrities na nabiktima ng mga kriminal sa gallery na ito.