
Hindi na nakatiis si Kapuso actress Angelika dela Cruz sa isang basher na pumuna tungkol sa natanggap na relief goods sa Barangay Longos, Malabon --- ang pook na sakop ni Angelika bilang barangay captain.
Sa Instagram, ipinakita ng aktres ang isang screenshot sa Facebook na nagpapakitang minumura si Angelika bilang kapitana.
Aniya, “Eto 'yung taong binigyan mo na, mumurahin ka pa. Kahit pa konti-konti, madalas naman akong magbigay ng relief goods.
“Tapos tag team sila ng ugali ng asawa niya na ang sabi ay, 'P*ta naging ka-apelyido ko pa 'yang kapitana n'yo? Baka mapagkamalang kamag-anak ko pa 'yan, nakakahiya.' Huwow kuya! Feeling pogi mo naman! Ang taas ng tingin ninyong mag-asawa sa sarili ninyo.
“'Yan 'yung mga wala ng naitulong sa kapwa nila kung makapagsalita pa sa kapwa nila, wagas! Ang kapal niyo.”
Patuloy naman ang paghahatid serbisyo ni Angelika sa kanyang nasasakupan.
Ayon sa kanyang mga post sa Instagram, patuloy siyang nagbibigay ng relief goods sa Barangay Longos, Malabon.
Bahagi ng aktres noong May 1, “Patapos na po ang delivery ng 5th wave of relief goods. Nag-re-repack na po kami para sa pang-anim na pagbibigay. #kapitanaduties #publicservice.”
Angelika Dela Cruz continues to work for Brgy. Longos, Malabon amid COVID-19 pandemic
Angelika dela Cruz to bashers: “Quarantine your mouth”