
Sa Amazing Earth nitong November 24, sinamahan tayo ni Angelina Mead King sa isang coastal clean up.
Kuwento ni Angelina, "'Yung coastal clean up natin, I call it a corrective answer to the plastic problem. Kasi ang problema, lahat ng plastic na napo-produce from groceries, manufacturing."
Ayon kay Angelina, may mga taong humihingi ng payo para makabawas sa paggamit ng plastic.
"A lot of people are asking me, ano ang solutions na puwedeng i-provide. Sana ho, mabalik ho yun, na nagre-refill 'yung mga manufacturers for glass bottling.
"And also other things that were suggested nga, 'yung mga refill stations for smaller items like the shampoo, the laundry detergent, the vinegar, yung mga one use items."
Panoorin ang kabuuan ng coastal clean up na ito with Angelina Mead King and Antoinette Taus sa Amazing Earth.
Antoinette Taus, ibinahagi kung paano nakatulong ang volunteerism sa depression | Ep. 76