GMA Logo Angeline Quinto hindi nagustuhan ang sinabi ng basher tungkol sa nangyari sa kanila ni Erik Santos
What's Hot

Angeline Quinto, nagreact sa isang basher nang sabihan siya na "choosy" dahil binasted nito si Erik Santos

By Aedrianne Acar
Published March 12, 2020 3:56 PM PHT
Updated March 17, 2020 11:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Joanie Delgaco, Kristine Paraon strike gold in rowing
Chavit Singson to meet Miss Universe next month to negotiate, possibly buy the organization?
APSEMO holds emergency meeting as Mayon shows increased activity

Article Inside Page


Showbiz News

Angeline Quinto hindi nagustuhan ang sinabi ng basher tungkol sa nangyari sa kanila ni Erik Santos


Hindi napigilan ni Angeline Quinto na umalma sa sinabi ng netizen sa Instagram sa pagiging choosy niya. Bakit kaya?

Matapang na sinagot ng singer na si Angeline Quinto ang patutsada ng isang basher tungkol sa pag-basted nito kay Erik Santos.

Maraming Salamat po Ama 🙏🙏🙌❤️ #9th

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto) on

Matatandaan na naging close si Angeline at Erik noon. Sa panayam ni Angeline sa PEP.Ph noong 2017, kinumpirma nito na hindi naging opisyal ang kanilang relasyon noon dahil hindi pa siya ready na mag-asawa.

Angeline Quinto to bashers of Jeniffer Maravilla: "Sana huwag ganun"

Saad ng Kapamilya singer, “Sinasabi naman niya na naging espesyal ako sa kanya, ganun din naman po sa akin si Erik.

“Pero yung gusto niyang mangyari sa buhay niya, gusto na niyang mag-asawa.

“Hindi pa ako ready sa ganun, e.

"Doon po kami hindi nagkakasundo… ako po talaga yun.

“Every time sinasabi sa akin ni Erik na ready na siya, nasa tamang edad na siya.

“Ako lang yung nagsasabi sa kanya na kung gusto niya na talaga, sa iba.”

Sa Instagram post ni Angeline last March 8, nag-share ito ng isang quote patungkol sa pagdating ng “the one.”

#ThankyouLordforeverything💕

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto) on

Makikita sa comments section na pinuna ni @brixcherry si Angeline sa pagiging choosy nito at pag-basted kay Erik Santos.

Agad na sumagot ang Kapamilya singer at diretsahang sinabi nito na “wala siyang alam” sa mga nangyari.

Aniya, “@brixcherry kalma. Wala po kayong alam. Mag-ingat sa corona at wag puro chismis Dai.”