GMA Logo angelu de leon
source: angeludeleonrivera/IG
What's on TV

Angelu De Leon, agad na tinanggap ang 'Pulang Araw' dahil sa kanyang ina

By Kristian Eric Javier
Published August 28, 2024 4:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Sibol Women dethrone Indonesia to reach Mobile Legends finals
Tight security at ports, terminals in W. Visayas for the holidays
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

angelu de leon


Matapos ang ilang taon, paano nga ba napapayag si Angelu de Leon na bumalik sa showbiz?

Ilang taon nagpahinga ang aktres na si Angelu De Leon mula sa showbiz. Sa panahong ito, sinubukan din niya ang public service sa pamamagitan ng pagiging konsehal sa Pasig.

Sa tagal ng kanyang pagkawala sa showbiz, ano kaya ang nag-udyok sa kanya para magbalik-telebisyon at gawin ang hit historical series na Pulang Araw?

Sa panayam niya sa Updated with Nelson Canlas podcast, inamin ni Angelu na isang dahilan kung bakit niya tinanggap ang role ni Carmela Borromeo sa serye ay dahil sa kaniyang tita at mommy.

“Unang-una, nu'ng ito in-offer sa 'kin, I asked for the role. 'Tapos I said yes right away kasi I remember 'yung mga kwento sa 'kin ng tita ko ng mommy ko, na naranasan nila 'yung war nu'ng mga panahon nila and I know how difficult it is in a sense,” kuwento ng aktres.

Sabi pa ni Angelu, kitang-kita rin niya na meron pang alaala ng ng karanasan ng kanyang ina noon kahit na matagal na itong lumipas. Isang senyales umano ang pagiging hoarder nito.

“So tinanong ko siya, 'Mommy, bakit ka ganiyan?' Siyempre, minsan gusto mo sabihin okay na naman na 'yung buhay natin ngayon. Parang if she wants anything, medyo madaling bilhin. Sabi niya, 'Naku, hindi mo alam 'yung pakiramdam ng walang-wala.' So, tumatak 'yun sa 'kin,” sabi ni Angelu.

Patuloy pa niya, “The moment I heard of Pulang Araw and it was offered to me and it was about that, I wanted to experience that. And knowing it was Suzette [Doctolero], 'yung creatives ng GMA, Si Direk Dom [Dominic Zapata] pa, maraming factors na nagpa-oo ako."

BALIKAN ANG PAGHAYAG NINA ANGELU AT CO-STAR NA SI EPY QUIZON NG KAHALAGAHAN NG PULANG ARAW NGAYON SA GALLERY NA ITO:

Ani Angelu, malaking bagay rin na isang GMA project ang Pulang Araw dahil kung babalik man siya sa showbiz, “at least home network ko.”

Dahil kasalukuyang naninilbihan bilang isa sa mga councilors ng Pasig City Government, sinabi ni Angelu na matapos niyang tanggapin any proyekto ay nagpaalam siya sa kaniyang mga boss na sina Mayor Vico Sotto at Vice Mayor Dodot Jaworski.

Aniya, napayagan man siya ay kailangan pa rin niyang gawin ang tungkulin bilang isang public servant kaya't kinailangan niyang mag time management. Kuwento pa ni Angelu, bilang artista at public servant, hindi pinapawalang bahala ang oras niya ng pahinga.

“'Pag may oras ng pahinga at araw ng pahinga, I don't take it lightly, I don't take it in vain, parang talagang magpapahinga ako and siyempre, balance with my family life and my children,” sabi ng aktres.

Pakinggan ang panayam ni Angelu dito: