
Muling magsasama on-screen ang '90s hottest love team at youth-oriented show icons na sina Angelu de Leon at Bobby Andrews para sa MAKA LOVESTREAM.
Sa bagong youth-oriented program, makikilala sina Angelu at Bobby bilang Mama Pinky at Papa Jack, mga magulang ni Faith, na gagampanan ng Sparkle artist na si Zephanie.
Sa first installment ng MAKA LOVESTREAM, tampok ang kuwento ni Faith (Zephanie), isang masiyahing K-culture fan na determinadong makamit ang kanyang mga pinapangarap sa pamamagitan ng isang 28-day manifestation ritual.
Bilang breadwinner ng kanyang pamilya at nag-aalaga sa kanyang may sakit na ama, walang panahon si Faith para sa romance... hanggang sa magkrus ang kanilang landas ni Joaquin (Shan Vesagas), isang Manila boy na may anger issues at ginugulo ng kanyang mabigat na nakaraan.
Makakasama rin nina Angelu at Bobby sa MAKA LOVESTREAM ang paborito nating barkada na sina Marco Masa, Ashley Sarmiento, Anton Vinzon, Elijah Alejo, Chanty, Sean Lucas, John Clifford, Olive May, Bryce Eusebio, Bangus Girl, Mad Ramos, at Josh Ford.
Abangan sina Angelu de Leon at Bobby Andrews sa MAKA LOVESTREAM simula September 6, 4:45 p.m. sa GMA.
SAMANTALA, MAS KILALANIN SI ZEPHANIE SA GALLERY NA ITO: