
Masayang-masaya ang aktres at public servant na Angelu De Leon nang maiuwi ng kaniyang team ang PhP230,000 na premyo sa kanilang paglalaro sa Family Feud ngayong Biyernes, March 3.
Kasama ni Angelu sa kanyang team ang kanyang asawa na si Wowie Rivera, sister-in-law na si Maybelle Herrera, at kanyang kapatid na si Christine De Guzman.
Sa nasabing episode, nakalaban nina Angelu ang team ng co-star niya noon sa T.G.I.S. na si Michael Flores. Kabilang sa team ng actor na pinangalanang Team Smashers ang kanyang mga kasamahan na badminton players, gaya ng celebrity mom na si Carlene Aguilar, Gina Lago, at JV Villanueva.
First round pa lamang ay nanguna na ang team ni Angelu nang ma-perfect nila ang lahat ng survey answers sa survey board. Dito ay nakakuha sila ng score na 81 points.
Samantala, nakabawi naman ang Team Smasher sa second round sa score na 83 points at naituloy nila ang pagkapanalo sa third round nang makuha nila ang huling survey answer sa tanong na, “Magbigay ng salitang pang-describe sa las ng kape.” Dito ay nakabuo sila ng score na 279 points.
Sa fourth round kung saan triple na ang score na puwedeng makuha, na-steal ng De Leon & Rivera family ang game sa score na 381 points. Sa round din na ito nakakuha ng additional PhP 30,000 ang winning team mula sa Shopee.
Sa last round na fast money round, sina Angelu at Christine ang naglaro kung saan nakabuo sila ng 213 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.
Sa sumatutal, nakapag-uwi ng PhP230,000 ang team ni Angelu at makakatanggap naman ng PhP20,000 ang Osteogenesis Imperfecta Support Group bilang kanilang napiling charity habang nag-uwi pa rin ng PhP50,000 ang Team Smashers.
Tumutok sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.
KILALANIN ANG ILAN PANG NAGING JACKPOT WINNERS SA FAMILY FEUD SA GALLERY NA ITO: