What's on TV

Angelu de Leon at Bobby Andrews, balik tambalan sa bagong episode ng '#MPK'

By Marah Ruiz
Published July 5, 2023 4:53 PM PHT
Updated July 7, 2023 7:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos recognizes Sherwin Gatchalian's leadership on Independence Day
Remains of Ateneo's Rene Baterbonia flown home to Mindanao
Independence Day celebrations and deals

Article Inside Page


Showbiz News

Angelu de leon and Bobby Andrews in Magpakailanman


Muling mapapanood ang tambalan nina Angelu de Leon at Bobby Andrews sa bagong episode ng '#MPK.'

Isang much-loved loveteam ang magbabalik sa bagong episode ang real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Bibida kasi sina Angelu de Leon at Bobby Andrews sa episode na pinamagatang "When Love Returns."

Si Angelu ay si Bang, habang si Bobby naman ay si Kulas na may lihim na pagtingin sa isa't isa.

Aakalain ni Bang na may girlfriend na si Kulas kaya papayag siyang magpakasal sa iba.

Matapos ang maraming taon, muling magkikita sina Bang at Kulas na ngayong ay pareho nang balo.

Magkakaroon pa kaya sila ng second chance at love?

Bahagi rin ng episode sina Kate Valdez at Kelvin Miranda na gaganap bilang mas batang Bang at Kulas.

Abangan ang pagbabalik tambalan nina Angelu de Leon at Bobby Andrews sa brand new episode na "When Love Returns," July 8, 8:00 p.m. sa #MPK.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.