Article Inside Page
Showbiz News
Kung 'yun talaga 'yung closure na hinihingi ng fans, 'di ba parang ang sarap ibigay?" - Angelu
By AL KENDRICK NOGUERA
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Maraming fans ng sikat na youth-oriented show noong '90s na
TGIS ang hinihiling na sana ay magsama-sama ulit ang cast sa isang project.
READ: #After20years: Angelu de Leon at Bobby Andrews, inamin na ang dahilan kung bakit hindi sila nagkatuluyan
Sa ngayon ay unti-unti nang natutupad ang kanilang wish dahil isa-isa nang pumapasok sa
Buena Familia ang iba pang
TGIS stars tulad nina Dino Guevarra at Michael Flores kaya't magkakasama na sila nina Angelu de Leon at Bobby Andrews sa Afternoon Prime soap.
Ayon kay Angelu, sila rin daw naman ay nais ding magkaroon ng reunion ang cast. "Kung magkakaroon man kami nina Bobby [ng reunion], it will be wonderful," saad niya.
Dagdag pa niya, "Parang masarap siyang isipin talaga. Sabi nga namin, imbes na
TGIS reunion, it's gonna be a
TGIS movie para at least on the big screen. Kung 'yun talaga 'yung closure or whatever na hinihingi ng fans, 'di ba parang ang sarap ibigay?"
READ: Bobby Andrews at Angelu de Leon, aksidente ang pagiging love team tulad ng #AlDub
Sa katunayan nga raw ay nabi-bring up ang movie reunion na ito tuwing magkakasama ang cast. Aniya, "Kapag nag-uusap-usap kami, even with our script writer na si Kit [Langit], Kit gawa ka na nga ng movie script, uso na naman 'yung indie film and willing kami to do it."
"It's just that it's nicer to think that if it's gonna happen, we made it happen, all the
TGIS cast and staff made it happen," pahayag ni Angelu.
"You'll never know. Mag-iipon pa kami para hindi naman kapiranggot ang budget," pagtatapos ng
Buena Familia star.