GMA Logo Angelu de Leon
Source: angeludeleonrivera/IG
Celebrity Life

Angelu De Leon, na-depress nang magkaroon ng Bell's Palsy

By Kristian Eric Javier
Published August 29, 2024 4:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Welcome everyone to the church, says Cardinal Advincula
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Angelu de Leon


Alamin ang karanasan ni Angelu De Leon nang magkaroon siya ng Bell's Palsy at kung papaano niya nalampasan ito.

Aminado si Angelu De Leon na na-depress siya noong magkaroon siya ng Bell's Palsy at kung papaanong dumating sa punto na kinuwestyon din niya ang kaniyang pananampalataya sa Diyos. Ngunit sa huli, aminado ang aktres na ito pa rin ang nagsalba sa kaniya.

Ang Bell's Palsy ay isang biglaan na paghina o pagkaparalisa ng facial muscles. Madalas nangyayari ito kapag na-damage ang facial nerve ng isang tao, ngunit panandalian lamang ang epekto.

Sa Updated with Nelson Canlas podcast, binalikan ni Angelu ang naranasan niya sa Bell's Palsy. Kuwento niya ay dalawang beses na siyang nagkaroon nito; noong 2001, at noong 2016.

Pag-alala ng aktres, “My first one, gumising lang ako, uminom ako ng tubig, nag-squirt 'yung tubig. Sabi ko, 'Ano'ng nangyari?' So wala naman, wala pang nangyayari hanggang towards the end na nakikita mo at nararamdaman mo na bumibigat 'yung right [side ng face] ko.”

Kuwento niya ay galing pa siya noon sa isang badminton tournament kasama ang King of Talk na si Boy Abunda. Ayon kay Angelu, maaaring dahil sa pagod at mahinang immune system kaya tinamaan ang facial nerves niya at naparalisa siya. Sabi ng aktres, dalawang linggo lang ang itinagal nito at bumalik na rin siya sa normal.

Pagod din daw ang dahilan kung bakit siya muling inatake ng Bell's Palsy noong 2016. Pag-alala ni Angelu, galing sila ng Europe noon ng kaniyang mga anak, bago nagpunta ng Boracay.

"Malamig sa Europe na tapos mainit sa Boracay. Tapos wala lang, normal, walang nangyayari, nagsu-swimming kami ng mga bata. Sabi ko, 'Wait lang, magpapa-tan ako.' So paghiga ko, naramdaman ko na, sabi ko, 'Mommy, bumabagsak 'yung mata ko,” sabi ng aktres.

Ayon kay Angelu, inakala pa noon ng mga tao na na-stroke siya. Nawala din naman agad iyon matapos uminom ng gamotang aktres, ngunit bumalik din matapos ang pitong araw.

Pag-alala niya, papunta sila ng simbahan noon at naligo siya ng malamig na tubig. Wala naman siya agad namaramdaman ngunit pagdating umano niya sa simbahan, “'Yun na, naramdaman ko na, bumibigat 'yung left [side ng] face ko.”

BALIKAN ANG MGA CELEBRITY NA MERONG RARE MEDICAL CONDITIONS SA GALLERY NA ITO:

Inamin ni Angelu na natakot siya ng sabihan siya ng duktor na maaaring mild stroke na ang nangyari sa kaniya dahil sa sa ikalawang pagkakataon dahil may pagitan na pitong araw, at pinayuhan na magpa-MRI (Magnetic Resonance Imaging).

Pag-amin niya, “There was a time talaga na I got so depressed about it because sabi ko, parang why now? Siyempre 'di ba? When I found the Lord 2006, 07, parang my life was normal, mas blessed, parang walang problema. Then suddenly, here comes this Bell's Palsy.”

“Medyo na-depress talaga ako nu'n na parang 'Ano'ng gagawin ko? Why now? Why now na you're so close to the Lord and your faith is stronger than ever?'” pagpapatuloy ng aktres.

Ngunit sa huli, sinabi ni Angelu na ang pananamapalataya pa rin niya ang nagsalba sa kaniya. Bukod kasi sa constant prayers, meron umano siyang isang verse na laging naaalala: In your weakness, my grace is sufficient for you.

“So everytime 'yun naririnig ko, at first, I thought it was para siyang curse. But now, after getting out of that depression and after holding on to that bible verse, sabi ko, 'Hindi e, it's here for a reason. It's here because it makes me closer to God,'” sabi ni Angelu.

Pagpapatuloy ng aktres, “Sabi ko nga, in spite of it being here, that was the first time I had a billboard in Edsa. May Bell's Palsy na'ko nu'n. And now Pulang Araw and several other things that I worried about.”

Ngayon, meron pa ring bakas umano ang Bell's Palsy sa kaniyang mukha, na napapansin ng ilang manonood sa Pulang Araw. Kahit ang co-star niyang si David Licauco ay napansin umano ito. At kahit pa alam niyang may mga taong may nasasabing hindi maganda, wala na ito umanong heaviness sa kaniya.

“Okay lang malungkot, okay lang ma-depress for a while, but give your time to grieve or to be sad, but give it time, give it a short time, and then get out of it. Sometimes easier said than done, but for me, it's really my faith that helped me get through this,” pagtatapos ni Angelu.

Pakinggan ang panayam ni Angelu dito: