What's on TV

Angelu de Leon, naaaning na asawa?

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 12, 2020 5:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News



Tunghayan kung ano ang mangyayari sa kuwentuwaang ito ngayong Linggo, May 22, sa Dear Uge. 

Isang asawang puno ng suspetsa at pagdududa. Ito ang naaaning na karakter na bibigyang-buhay ni Angelu de Leon bilang si Anita o Aning sa Dear Uge.

Dear Uge Sneak Peek: Praning si Aning

Tatlong buwang buntis sa una nilang anak si Anita, at kasabay ng kanyang pagbubuntis ay ang tila pagbabago ng kanyang mister na si Raul na gagampanan naman ni Bobby Andrews. Dahil sa kanyang pagkapraning ay gagawa siya ng checklist, susubaybayan ang kilos ng kanyang asawa at susundan ito ng palihim kung saan ito magpunta.

Mapatunayan kaya ni Aning ang kanyang pagdududa, o mauuwi ito sa tamang hinala? Makatulong din kaya ang cameo role na katatampukan ni Eugene Domingo sa kanila, o lalo lang siyang makakagulo sa relasyon ng mag-asawa?

Tunghayan kung ano ang mangyayari sa kuwentuwaang ito ngayong Linggo, May 22, sa Dear Uge.