GMA Logo Angelu de Leon birthday
What's Hot

Angelu de Leon, nakatanggap ng birthday surprise sa set ng 'Never Say Die'

By Marah Ruiz
Published August 22, 2025 7:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pasig River Esplanade ready in 10 days — Liza Marcos
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Angelu de Leon birthday


Binigyan ng birthday surprise ng cast at crew ng 'Never Say Die' si Angelu de Leon.

Isang birthday surprise ang natanggap ng aktres na si Angelu de Leon sa set ng upcoming action-drama series na Never Say Die.

Ipinagdiriwang niya ngayong araw, August 22, ang kanyang ika-46 na kaarawan.

Habang kinukunan ang eksena ng isang awards ceremony kung saan dumalo ang karakter ni Angelu, biglang tumugtog ng "Happy Birthday" ang marching band sa stage.

Kasunod nito, lumabas ang isa sa mga direktor ng serye na si Dominic Zapata, pati na ang lead star na si Jillian Ward na may hatid ng tig-isang cake.

Pinaypayan ni Angelu ang birthday candles para mamatay ang sindi at nagpasalamat sa lahat ng sumorpresa sa kanya.

Ang Never Say Die ay isang upcoming primetime action-drama series na pagbibidahan nina Jillian at David Licauco.

"Sobrang nae-excite po ako kasi iba po ito. Ibang klaseng project po siya. I hope mag-enjoy tayong lahat. I'm so excited kasi mostly po sa inyo parang mga magulang ko na in the industry. Gawin po nating fun 'yung taping. Thank you po sa GMA for trusting me," pahayag ni Jillian sa story conference ng serye.

"First of all, maraming salamat dahil binigay niyo 'to sa 'kin, pinagkatiwalaan niyo 'ko. Honestly this year, I didn't plan to do any acting jobs dahil I wanted to focus on business but then, napakaganda ng story. I feel like maraming po tayong matututunan. I think na itong teleserye na 'to represents a lot of Filipinos. I just hope na through this teleserye, ma-inspire tayo na magsalita 'yung mga dapat magsalita," lahad naman ni David.

Makakasama nila ang ang malaki at all-star na cast, kabilang sina Richard Yap, Kim Ji Soo, Michelle Dee, Analyn Barro, at Raheel Bhyria.

Bahagi rin ng cast sina Raymart Santiago, Wendell Ramos, Ayen Munji-Laurel, Jonathan Villoso, at Ms. Gina Alajar.

KILALANIN ANG CAST NG UPCOMING SERIES NA NEVER SAY DIE DITO: