
Marami ang nabigla na meron palang naging alitan ang dalawang primyadong aktres na sina Angelu De Leon at Caludine Barretto. Ngunit kahit meron silang hindi pagkakasunduan ngayon, umaasa naman ang Pulang Araw actress na magkakaayos din sila.
Sa Updated with Nelson Canlas podcast, tinanong ni Nelson Canlas kung pwede bang tanungin si Angelu tungkol sa issue nila ni Claudine. Ngunit ang sagot ng aktres, “Ano na 'yun, ang tagal na nun.”
Pagpapatuloy pa ni Angelu, “Magkakabati at magkakabati rin in God's time...”
Nilinaw rin ng aktres na wala pa sa kanilang dalawa ni Claudine ang nag-reach out sa isa't isa para magkaayos sila sa ngayon.
Sa huli, ay hinayaan na lang ni Nelson ang topic na ipinagpasalamat naman ng aktres.
BALIKAN ANG CELEBRITIES NA NAGKAAYOS DIN MATAPOS ANG MATAGAL NA HIDWAAN SA GALLERY NA ITO:
Matatandaang unang pumutok ang issue sa 20th anniversary party ng celebrity couple na sina Gladys Reyes at Christopher Roxas noong January 2024. Sa nasabing party kung saan panauhin si Claudine, sinabi niyang gusto niyang muling makatrabaho sina Gladys at Judy Ann Santos, pero hindi si Angelu.
Ngunit noong April 2024, sinabi ni Claudine sa vlog ni Ogie Diaz na pinagsisisihan niya ang mga sinabi tungkol kay Angelu.
Sa hiwalay naman na panayam ni Angelu sa parehong vlog, sinabi niyang alam niyang magkakaayos din sila ni Claudine balang araw, at ipinahayag ang kagustuhang mapag-usapan nila nang personal ang kanilang issue.
Pakinggan ang panayam kay Angelu De Leon dito: