GMA Logo Angelu de Leon, Tonton Gutierrez, at Liezel Lopez
What's on TV

Angelu de Leon, Tonton Gutierrez, at Liezel Lopez, makikisaya sa Kapuso Stream mamaya!

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 9, 2024 4:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) JANUARY 20, 2026 [HD]
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Angelu de Leon, Tonton Gutierrez, at Liezel Lopez


Ang mga kalaban sa 'Pulang Araw,' 'Widows' War,' at 'Asawa Ng Asawa Ko' ang makikipagkuwentuhan mamaya sa mga manonood ng GMA Prime sa Kapuso Stream.

Magsasama-sama ang mga kalaban ng GMA Prime shows na Pulang Araw, Widows' War, at Asawa Ng Asawa Ko sa Kapuso Stream mamaya, September 9.

Sa Pulang Araw, makikipagkuwentuhan sina Angelu de Leon, Neil Ryan Sese, at Jay Ortega sa mga nakatutok sa Kapuso Stream.

Ginagampanan ng tatlo sina Carmela Borromeo, Lauro Torres, at Akio Watanabe, tatlong kinaiinisan ng mga manonood ng Pulang Araw.

Sa Widows' War, pag-uusapan nina Tonton Gutierrez, Jackielou Blanco, Lovely Rivero, at Brent Valdez ang patayan na nangyayari sa kanilang programa.

Ginagampanan ng apat sina Galvan Palacios, Ruth Balay, Vivian Trano, at Peter.

Sa Asawa Ng Asawa Ko, ang mga kontrabidang sina Liezel Lopez at Kylie Padilla ang makikipagkuwentuhan sa mga tumututok sa kanilang programa.

Ginagampanan ng dalawa sina Shaira, ang asawa ni Jordan (Rayver Cruz), at Hannah, ang dating asawa ng kapatid ni Shaira na si Leon (Joem Bascon).

Kilalanin ang kalaban sa Pulang Araw, Widows' War, at Asawa Ng Asawa Ko!

Panoorin ang GMA Prime simula 8:00 P.M. sa GMA at Kapuso Stream.