What's Hot

Anjanette Abayari, gustong makilala ang kapwa Darna actress na si Marian Rivera

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 10, 2020 4:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos to Palace employees: Stay focused amid the political noise
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



Magkasing sexy at magkasing ganda ang dalawang Darna. 
By AEDRIANNE ACAR

 
Nagbabalik Pilipinas ang morena beauty at former sexy actress na si Anjanette Abayari matapos ang labinlimang taon sa Guam.

WATCH: Ang pagbabalik ni Anjanette Abayari
 
Nakilala si Anjanette sa kanyang mga sexy roles sa pelikula lalo na nang gumanap siya bilang Darna sa 1994 movie na Darna-Ang Pagbabalik.
 
Ayon sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras, nais daw niyang makilala ang mga kapwa niya Darna actresses na sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at former Kapuso actress Angel Locsin.
 
Nagpaabot din ng mensahe si Anjanette sa kanyang mga fans at supporters na kailanman ay hindi siya iniwan at naghintay sa kanyang pagbabalik.
 
Aniya, “Gusto ko pasalamatan sila kasi hanggang ngayon hindi sila umalis. I just want [to] say thanks sa lahat ng suporta nila and of course I’m back!”