GMA Logo Anjay Allen and Sparkle Teens
Celebrity Life

Anjay Anson at Allen Ansay, may payo sa Sparkle Teens

By Aedrianne Acar
Published April 19, 2023 9:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Anjay Allen and Sparkle Teens


Ano nga ba ang masasabi ng Sparkle heartthrobs na sina Anjay Anson at Allen Ansay sa Sparkle Teens?

Ipinakilala na ng Sparkle GMA Artist Center ang ilan sa up and coming nilang stars na tinaguriang Sparkle Teens sa All-Out Sundays nitong April 16.

Kabilang sa Sparkle Teens ang promising female stars ng Sparkle GMA Artist Center na sina Waynona Collings, Charlie Fleming, Keisha Serna, Gaea Mischa, Selina Griffin, Ashley Sarmiento, Naomi Park, Liana Mae, Aya Domingo, at Princess Aliyah.

Pasok din sa Sparkle Teens ang future heartthrobs na sina John Clifford, Lee Victor, James Graham, Roi David, Aidan Veneracion, Josh Ford, Bryce Eusebio, Marco Masa, at Zyren Dela Cruz.

Sa eksklusibong panayam kay Anjay Anson, isa sa mga nailaunch noong April 2022 bilang part ng youth-oriented group na Sparkada, ngayong Martes ng hapon (April 18), sinabi nito na nakikita niya ang malaking potensyal ng Sparkle Teens.

Napanood si Anjay sa hit primetime series na Widows' Web at isa rin sa mga host ng award-winning morning show na Unang Hirit.

“Well napanood ko 'yung performance nila sa AOS- great job! Ang ganda nung performance and nakikita ko sa inyo na talented kayo. And I hope na this will just be your stepping stone para mas umangat pa kayo. So, just be yourself, just do what you do. Just enjoy every moment.”

Tila nanumbalik daw sa kaniya ang mga nararamdaman niya noong naghahanda sila ng kapwa Sparkada members niya sa grand reveal nila noong nakaraang taon.

Paliwanag ng mestizo cutie, “Lately lang, nung napanood ko nga 'yung Sparkle Teens and parang bumalik sa akin lahat- 'yung excitement, 'yung takot, 'yung kaba na ano kaya mangyayari after nito? Kung magiging okay ba lahat? Kung sino sa amin magiging at the top?”

“Mixed emotions lahat and siyempre happy ako nung time na 'yun and excited ako, kasi lahat ng mga kaibigan ko dun sa Sparkada, alam ko sabay-sabay kaming aangat.”

Kung pressure rin naman ang pag-uusapan naranasan na rin ito mismo ng Sparkle cutie na si Allen Ansay nang sumali siya sa groundbreaking artista search competition na StarStruck (2019).

Sa seventh season ng nasabing programa, itinanghal na First Prince si Allen at nanalo naman bilang Ultimate Male Survivor si Kim de Leon.

Ano kaya ang maipapayo ni Allen sa Sparkle Teens?

“Siguro ang mapapayo ko lang talaga is matuto ka lang talaga i-accept ang mali mo at maging willing ka makinig...Kumbaga, sige magkamali ka, pero 'yung pagkakamali na 'yun tutulong sa sarili mo para mas ma-improve mo 'yung sarili mo at ma-achieve mo 'yung goals mo.”

Nagbigay din sya ng advice tungkol sa mga maaring harapin nilang issues sa pag-aartista.

“Tungkol naman dun sa anxiety, sa mga bashers. Hindi mawawala 'yung may pressure. Lagi lang natin ilalabas 'yung nararamdaman natin, kasi mahirap lang na kini-keep 'yan sa dibdib mo. Actually, nangyari sa akin 'yan before. Tinago ko siya lang lahat, tapos dumating 'yung time nag-break down ako kay Mama na, 'Ma! Nami-miss na kita, hindi ko na kaya mag-isa dito sa Maynila'.”

“Sa family natin, sa kaibigan natin masabi natin 'yung nararamdaman natin.”

Naging parte si Allen Ansay ng patok na afternoon series na Prima Donnas (2022) at bumida rin sila ng ka-love team niya na si Sofia Pablo sa katatapos lang na Luv Is: Caught In His Arms.

MAS KILALANIN ANG SPARKLE HEARTTHROBS NA SINA ALLEN AT ANJAY DITO: