GMA Logo Anji Salvacion and Caroline with Maki
Photo by:@itsShowtimeNa X
What's on TV

Anji Salvacion, kauna-unahang nanalo sa 'Hide and Sing' ng 'It's Showtime'!

By Dianne Mariano
Published January 23, 2025 12:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cloudy skies, isolated rains to prevail over parts of PH on Wednesday
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Anji Salvacion and Caroline with Maki


Congratulations kay Anji Salvacion at ang kanyang madlang partner na si Caroline!

Umuwing wagi ang celebrity guest na si Anji Salvacion sa bagong musical segment ng It's Showtime na "Hide and Sing."

Nitong Miyerkules (January 22), nakihula ang Filipina artist kasama ang kanyang napiling madlang partner na si Caroline kung sino sa tatlong performers ang totoong celebrity singer.

Sa unang round pa lang, labis ang pagkilatis ni Anji sa contestants at tinanong kung ano ang mga edad nila. Ang kanyang unang hula ay si number three na si Reiven Umali, ang "Tawag ng Tanghalan" fifth season grand champion.

"Parang kilalang-kilala ko si number three," sabi ni Anji. "Basta nakakasama ko ito. Hoy Reiven (Umali), baka ikaw iyan, ha."

Sa gitna ng kanilang hulaan, game na game din sumali sa kulitan si Anji. May isang beses pa ngang pinasayaw pa niya ang tatlong contestants on stage.

Pero pagdating sa round two, todo ang ngiti ni Anji nang pinakanta isa-isa ang singers. Number three pa rin ang kanyang sagot ngunit meron siyang naisip na iba pang artist sa likod ng maskara.

"Parang may isang part na si Reiven pero at some part parang kilala ko rin. Siya 'yung kumanta ng 'Dilaw', si Maki," paliwanag ni Anji.

Matapos ang kanilang seryosong pag-uusap, pinili pa rin nina Anji at Caroline si contestant number three.

Ang kaba nina Anji at Caroline ay napalitan ng saya nang nabunyag na si Maki nga ang nasa likod ng maskara.

"From the amount of me hearing his song na 'HBD', that's my favorite song, you know that. I always hear his voice," masayang ikinuwento ni Anji.

Tawanan naman ang madlang Kapuso at hosts nang ibinahagi ni Maki ang kanyang experience sa segment. "Ang weird kasi mas kinabahan ako kaysa as Maki," reaksyon ng guest singer. "Nanginginig talaga ako. Sabi ko, 'Ano'ng gagawin ko?'"

Nanalo sina Anji at Caroline ng Php 5,000 at additional na Php 5,000 dahil napangalanan nila nang tama ang guest celebrity singer.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Balikan ang winning moment nina Anji Salvacion at Caroline, dito: