Article Inside Page
Showbiz News
Introducing ang mala-radio talk show sa telebisyon na magpapainit ng inyong Saturday night -- ang Cool Center.
Pang-radyo ang chikahan at ang lasa, pero hindi lang maririnig kundi mapapanood pa sa TV. Introducing ang mala-radio talk show sa telebisyon na magpapainit ng inyong Saturday night -- ang Cool Center. Text by Erick Mataverde. Photos by Mitch S. Mauricio.
"Kung gusto mong tumawag para magbigay ng opinyon, pwede! Kung gusto mong makipag-diskusyon, pwede! Kung gusto mong marinig lang, pwedeng, pwede! Trip mong magamit ang make-up o brush ni Marian, pwede! O ma-arbor ang rubber shoes ni Dingdong, pwedeng, pwede! Hello, totoo yan, dito sa
Cool Center!" This is the blurb of the new show that is soon to hit our Saturday late night weekends.
At ang mga magho-host ng live radio talk show on TV na ito ay walang iba kundi ang mga preyadong komedyante na sina
Eugene Domingo at
Anjo Yllana. And they are excited as us to learn about this new take on our late night viewing habits.

Since they would be working for the first time, ano ang kanilang ine-expect sa bagong tandem na ito?
Kwento ni Eugene (or Uge) during the press conference last Thursday night, "Nung sinabi na [si Anjo] ang makakasama ko na-excite ako kaagad. Una sa lahat, ang sarap na kasama lalaki naman. Kadalasan kasama ko kundi bakla, babaeng bakla or babae din. Ngayon ang sarap na kabatuhan ko siya naman. Open siya sa kahit anong opinyon na sasabihin ng kasama niya kasi yung personality namin natural na lalabas.”
Si Anjo naman sees it as a departure from his
Nuts Entertainment persona: "Yung tandem namin ang gusto kong i-introduce. [At] saka yun nga, fresh, first time namin ito, kaya gusto ko 'yung tandem namin ang makilala."
And although the show is expected to be live and spontaneous, sila ay may mga idea na kung paano ma-entertain ng todo ang audience nila. "Gusto ko lang na maging kumportable lahat ng tumatawag sa amin, na alam nila na bibigyan namin sila ng piece of our minds na totoo at masaya at cool…Hindi tayo dito upang dramahin, hindi tayo seryosng-seryoso -- kung ano lang ang totoo, kung ano ang ikasasaya mo at saka ‘yung maitutulong namin sa iyo at para tawagan mo kami ulit," ang banggit ni Uge.
And for Anjo, he finds that their guests would add spice sa
Cool Center. Kanyang in-explain,"Pag sinabi mo kasi Saturday night, siyempre kailangan niyan yung guest mo inaabangan. It’s important na medyo controversial. Alam mo naman pag natutulog ka ng nine to 10 p.m. ng gabi, para hindi ka matulog, meron kang inaabangan na tsismis. Siguro, kaya we make it a point na ‘yung guest namin medyo controversial, para sa aabangan ng viewers."
Si Ms. Marivin Arayata, Vice-President for Entertainment of GMA ay nag-provide ng explanation why Uge and Ajo were hand-picked for
Cool Center. "They are known to be good comedians kaya sila ang pinili namin para mag-host ng show na ito. Ang format ng show ay radio talk show on TV. Live show siya every Saturday and everybody is welcome to ask their questions -- whether kung love advice or may problems sila sa bahay na domestic, may mga resource persons [din] kami.
"Very light namin ita-tackle ang mga colorful segments sa programa na ito. Minsan meron kaming mga auction ng mga items ng mga artists and viewers. Magiging masaya and very entertaining itong show na 'to twing Saturday ng gabi dahil sa magagaling na host natin," she says.
The lively and fun discussions sa
Cool Center start this Saturday, March 14.
Discuss what's up with the latest in showbiz today by logging on to the
iGMAForums! Not yet a member? Register
here!