
Nananatiling proud Kapuso si Anjo Damiles sa muling pagpirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center sa naganap na contract signing event, ang "Signed For Stardom," noong November 22.
Sa interview ng GMANetwork.com, nagbalik-tanaw ang aktor sa mahigit tatlong taon na niya ngayong pagiging isang Kapuso.
Photo by: Michael Paunlagui
"Nakaka-proud na three years ago looking back at it kaka-sign ko lang with GMA and now magsa-sign ulit ako, parang it's a dream come true just to be here again working with GMA and some other artists. Kasi within those three years ang dami ko pang hindi nakakatrabaho na gusto kong makatrabaho ngayon," sabi ni Anjo.
Huling napanood ang aktor bilang Jasper sa hit series na First Yaya at sa sequel nitong First Lady. Ipinamalas din ni Anjo ang husay sa pag-arte sa afternoon series na Madrasta at Stories from the Heart: Love On Air.
Bukod kay Sanya Lopez, na gusto niyang makatrabahong muli, nais din Anjo na makasama sa isang proyekto sina Kyline Alcantara at Kylie Padilla.
Ayon sa aktor, kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto niyang makatrabaho si Kyline sa isang rom-com at action project. Aniya, "Pwedeng rom-com, pwede action. Kung papalarin gusto ko sabay na rom-com with action.
Sa ngayon, may pinaghahandaang series si Anjo na, aniya ay, malapit-lapit nang mapanood ng Kapuso viewers.
"May naka-line up pero hindi ko pa pupwede kasing sabihin. But ang alam ko malapit-lapit na s'ya so sana masubaybayan ng mga Kapuso natin."
MAS KILALANIN SI ANJO DAMILES SA GALLERY NA ITO: