
Dahil nasa ilalim pa rin ng enhanced community quarantine ang buong Luzon dahil sa banta ng COVID-19, minarapat nina Anjo Damiles, Shayne Sava, at Mav Lozano na magbigay saya sa pamamagitan ng live online concert.
Panoorin si Anjo sa kanyang Instagram ngayong araw, March 21, 4:00 pm. I-follow siya sa https://www.instagram.com/anjodamiles10/.
Si StarStruck Season 7 Ultimate Female Survivor Shayne Sava naman, may live performance din sa kanyang Facebook account ng 6:00 pm. I-like ang kanyang page sa https://www.facebook.com/starstruck.shaynesava/.
Sa ganap na 7:00 pm naman ang live concert ni Spogify Grand Winner Mav Lozano sa Instagram at Facebook niya. Sundan siya sa https://www.instagram.com/mavlozano/ at https://www.facebook.com/mavlozano.official,
Samantala, sumalang na sa ganitong uri ng live video performance sina Golden Cañedo, Anthony Rosaldo, Jeniffer Maravilla, at iba pang Kapuso stars.