
Binalikan ng newlywed couple na sina Anjo Pertierra at Eunice Jorge ang paboritong moments nila sa kanilang wedding day na naganap noong April 12 sa Hillbarn Tagaytay, Cavite. Link:
Ito ay kanilang ibinahagi sa Kapuso weekday morning show na Unang Hirit ngayong Miyerkules (April 15).
Unang sumagot ang Gracenote vocalist at aniya, "Favorite ko 'yung vows and at saka 'yung nagte-thank you siya."
Para naman kay Anjo, paborito niyang bahagi ng kanilang wedding day ni Eunice ay ang pagbigay ng thank you speeches nila.
"Doon ko na-realize na iyakin pala talaga ako," pagbabahagi niya.
Bukod dito, ipinakita rin ang clip kung saan mapapanood ang pagiging emosyonal ng Kapuso weather presenter sa kanyang kasal. Ayon pa kay Anjo, mas naging espesyal ang kanilang wedding ceremony dahil sa isinulat na kanta ni Eunice.
"Iba 'yung pakiramdam. Mas naging special 'yung moment na 'yon.
"Ang ganda niya na tapos nagsulat pa siya ng kanta para sa amin. So it was very special," kwento niya.
Related content: Gracenote's Eunice Jorge begins her forever with Anjo Pertierra
Matatandaan na nag-propose si Anjo kay Eunice noong July 2025 sa birthday mismo ng huli.