
Counting down na ang Unang Hirit host na si Anjo Pertierra sa nalalapit niyang kasal.
Si Anjo ay ikakasal na sa kanyang fiancée na vocalist ng bandang Gracenote na si Eunice Jorge.
Related gallery: Anjo Pertierra and Eunice Jorge's heartwarming love story
Sa episode ng Unang Hirit na ipinalabas ngayong Miyerkules, April 8, isang massive pre-wedding surprise ang natanggap ng soon-to-be groom at soon-to-be bride mula sa kanilang UH family.
Ang UH hosts na sina Suzi Entrata-Abrera at Kaloy Tingcungco ang nag-reveal ng surprise- ang inihanda ng UH barkada na despedida de soltera y soltero o ang joint bachelor and bachelorette party para kina Anjo at Eunice.
Bukod sa hosts ng programa, present din sa surprise ang loved ones ng lovely couple.
Source: Unang Hirit
Kasabay nito ay nakatanggap din sila ng special gifts mula sa kanilang UH family.
Unang nagkakilala sina Anjo at Eunice sa Unang Hirit Campus Tour stop na naganap noong 2024 sa Bestlink College of the Philippines sa Quezon City.
Naganap ang engagement nila noong July 2025 sa mismong birthday ni Eunice.
Nakatakdang ikasal sina Anjo at Eunice sa darating na linggo, April 12.