
Tila naghatid ng kilig vibes ang Kapuso host na si Anjo Pertierra at host na si Jackie Gonzaga sa It's Showtime ngayong Lunes, December 2.
Bumisita si Anjo kasama ang kapwa Unang Hirit host na si Suzi Abrera sa nasabing noontime show at nakisaya kasama ang hosts at Madlang People.
Inimbitahan naman ni Suzi ang mga manonood na makisaya sa week-long celebration ng 25th anniversary ng Unang Hirit hanggang December 6.
Bukod dito, muling nagkita sina Anjo at Jackie matapos ang guest appearance ng huli sa Unang Hirit noong Abril. Matatandaan na maraming netizens ang nag-ship kina Anjo at Jackie dahil anila'y may chemistry sila.
Napansin naman ng hosts na parang nahiya bigla si Jackie at sinabi ng huli, “Naalala ko 'yung mga pick-up line ko nung dumalaw ako sa kanila. Nahiya ako.”
Matapos ito, nagbigay ng sample pick-up line si Jackie para kay Anjo. Aniya, “Anjo, sana talaga bagyo na lang tayo.”
“Bakit?” tanong ng Unang Hirit weather presenter.
Sagot ni Jackie, “Para magkaroon tayo ng PAGASA.”
Hindi naman nagpahuli si Anjo dahil may banat din siya para kay Jackie. Tanong niya, “Jackie, bagyo ka ba?”
“Bakit?” tanong ng host.
Sagot ni Anjo, “Kasi kahit anong bantay ng PAGASA, pumapasok ka pa rin sa isip ko.”
Matapos ito, may isa pang pick-up line si Jackie para sa Kapuso host at sinabi ng una na sana'y ID na lang ang huli. Nang tanungin ni Anjo kung bakit, sinabi ng dancer-host, “Para kapag nawala ka, alam nilang akin ka.”
Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.
KILALANIN PA SI JACKIE GONZAGA SA GALLERY NA ITO.