
Hindi malilimutang karanasan para kay Anjo Pertierra ang kanyang pinakahuling assignment sa Traslacion ng Poong Jesus Nazareno 2026.
Bilang isa sa mga host ng GMA morning show na Unang Hirit, nakaantabay si Anjo sa Quiapo Church upang masaksihan ang debosyon at matibay na pananampalataya ng milyon-milyong deboto.
Sa kanyang Instagram post, binalikan ng UH star ang kanyang karanasan sa nasabing special coverage.
"Nazareno 2026 coverage done. Ibang klaseng debosyon at pananampalataya mula sa mga deboto ng Poong Hesus Nazareno. 'Dapat Siyang tumaas, At Ako nama'y bumaba,'” ani Anjo.
Kasama sa post ang ilang mga larawan ni Anjo mula sa naganap na Traslacion, pati na rin ang ilang behind-the-scenes moments ng kanyang coverage.
Agad na pinusuan ng fans ang naturang post at ipinahayag ang kanilang pagmamalaki para sa Kapuso host.
Gayunman, may ilan ding netizens na tila iba ang napansin.
Marami ang humanga sa pagiging fresh at gwapo ni Anjo kahit umano'y kulang ito sa tulog. May ilan pa ngang natuwa sa host at nag-iwan ng mga pickup o hugot lines sa comment section.
Isa si Anjo sa mga Kapuso reporters na naghatid ng mga kaganapan sa Traslacion 2026 na ginanap mula Biyernes (January 9) hanggang Sabado (January 10).
Itinuturing ito bilang pinakamahabang prosesyon sa kasaysayan, na umabot ng mahigit 30 oras at dinaluhan ng humigit-kumulang 9,640,290 deboto base sa church officials.
Samantala, tingnan ang ilang celebrities na deboto ng Itim na Nazareno sa gallery na ito: