
Marami nang bagong terms ang bagong henerasyon ngayon para sa iba't-ibang uri ng relasyon na meron sila. Kaya naman, sina Unang Hirit weather presenter Anjo Pertierra at Morning Oppa sa Umaga Kaloy Tingcungco ay napag-usapan ang dalawa sa mga ito.
Sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, August 22, tinanong ni King of Talk Boy Abunda sina Anjo at Kaloy kung ano ang alam nila sa dalawa sa mga bagong termino na ito, ang "situationship" at "open relationship".
Aminado si Anjo na rampant ngayon ang situationship sa mga kabataan. Paliwanag niya kung ano ito, “Parang kayo pero 'di kayo. Walang fine line ng definition kung ano kayo.”
Inihalintulad naman ito ni Kaloy sa naunang termino na mutual understanding o MU sa pagitan ng dalawang tao. Nang tanungin sila kung ano ang masasabi nila dito, pag-amin ng Morning Oppa ay nasi-stress na siya sa mga relasyon na walang label.
“Kasi ako, personality ko rin, I'm very straight forward, I'm upfront to what I feel kapag may gusto ako, sasabihin ko. I know what I want, I know what I need, and I'm very assertive,” sabi niya.
BALIKAN ANG KUWENTO NG 'UNANG HIRIT' BARKADA SA GALLERY NA ITO:
Hindi rin daw pabor si Kaloy dito dahil sa kawalan ng certainty ng naturang uri ng relasyon, “Who knows kung saan ka dadalhin ng situationship na 'yan. And it could cause emotional damage, complicated relationships, so I'd rather not.”
Para sagutin ang tanong ng batikang host, aminado si Anjo na maaari namang magbago ang situationship para maging mas seryoso, ngunit mahaba ang proseso at malabo ang tsansang mangyari ito.
Nang tanungin naman sila tungkol sa open relationship, sinabi ni Kaloy na wala siyang masamang masasabing masama tungkol dito lalo na ay may mga kaibigan siyang nasa parehong sitwasyon na masaya naman sa kanilang relasyon.
Paliwanag ni Kaloy ang kaniyang sariling definition ng open relationship,” Ako, ang definition ko, ang pagkakaintindi ko, Tito Boy, you are together, you have a label, boyfriend-girlfriend, pero you have this rule na even if you're together, you can be initmate with others.”
Aminado si Anjo na hindi niya alam na kapag sinabing open relatiosnhip ay intimacy na sa ibang tao, bagay na hindi niya umano kayang gawin. Ito rin ang reaksyon ni Kaloy, at sinabing hindi niya kayang pumasok sa isang open relationship.